
DMW pinoprotektahan datos, info ng mga OFWs
KINUMPIRMA ng Department of Migrant Workers (DMW) na nagpatupad sila ng pre-emptive measures tulad ng pagpapatupad ng systems offline upang protektahan ang mga datos at impormasyon ng mga Overseas Filipino Workers bilang resulta ng ransomware attack sa kanilang online systems.
Dahil dito, sa pagre-restore ng online systems, pansamantalang hindi magagamit ang electronic o online systems na nagpapalabas ng OECs/OFW Passes at OFW information sheets at iba pang online.
Tiniyak naman ng DMW na hindi apektado ng ransom attack ang databases na naglamaman ng OFW data.
Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para maibalik ang online systems at matiyak ang patuloy na proteksyon sa datos at impormasyon ng OFWs.
Dahil dito, ang mga OFW na kukuha ng OECs/OFW Pass, ay maaaring magtungo sa DMW National Office, Regional Offices at extensions, One-stop Shops, at Migrant Workers Assistance Centers para sa manual processing of their OECs/OFW Pass.
Samantala, ang mg a OFWs na kukuha ng information sheets, ay kailangan lamang magpadala ng request sa [email protected] at magpapadala ang DMW ng kanilang QR-coded information sheets habang ang mga OFWs ay maaring ring magpadala ng request sa DMW Facebook page messenger (https://web.facebook.com/dmw.gov.ph).
Patuloy din ang koordinasyon ng DMW sa Bureau of Immigration (BI) at airport authorities para sa maayos na pag-alis ng mga OFWs.
Humingi naman ng paumanhin ang DMW sa abalang idinulot sa mga OFWs at mga miyembro ng kanilang pamilya.