
Mga binaha sa BARMM pinaayudahan ni PBBM
MAY ibinigay ng tulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga nabaha sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa southwest monsoon.
Inatasan ni Pangulong Marcos sina Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo Jr., Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian at iba pang opisyal ng pamahalaan na mamigay ng tulong.
Ayon kay Gatchalian, tig-P5,000 o katumbas ng P380,000 ang ibinigay na ayuda sa 76 residente na nasiraan ng bahay.
Tig-P10,000 o katumbas ng P2.86 milyon naman ang ibinigay sa mga residente na totally damaged ang mga bahay.
Nabatid na ang Matanog, Maguindanao del Norte ang napuruhan ng pagbaha.
Bukod dito, namahagi rin ng relief goods sina Lagdameo at Gatchalian.
“We are here to make sure na matugunan lahat ng pangangailangan. You have the full support of the national government and BARMM government,” pahayag ni Lagdameo.
“The aid-giving in Matanog was in line with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to assist flood-affected families to ensure that they are able to cope with the effects of the ‘Habagat’ that continues to prevail in some parts of Muslim Mindanao (BARMM),” dagdag pa nito.
Namanahgi naman ng P786,000 na halaga ng financial assistance sa 157 na residente ang dalawang opisyal sa Balabagan Evacuation Center.
Tig-P100,000 ang ibinigay sa 10 residente na totally damage ang bahay habang tig-P10,000 naman sa dalawang residente na namatayan.