Default Thumbnail

Bataan mabilis umasenso–PSA

July 14, 2024 Christian D. Supnad 452 views

HERMOSA, Bataan-Isa ang Bataan sa 10 lalawigan sa bansa na mabilis umasenso base sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, “Bataan is one of the Top 10 Fastest-Growing Provinces in Terms of Per Capita GDP Annual Growth Rates at Constant 2018 Prices 2021-2022.”

Nagbibigay ang PSA ng highlights sa mga economic performance sa lahat ng lalawigan kabilang ang PPA compilation sa 2023.

“Bataan is amongst the provinces in the Philippines with high Human Development Index,” ayon sa Wikipedia reports.

Minamadali ang pagpapalapad ng Roman highway, isang major access road mula North to Southern Bataan, ng apat na Garcia siblings–si Gov. Joet Garcia, Congressman Abet Garcia, Congresswoman Gila Garcia at Mayor Francis Garcia.

Napahanga din si Presidente Bongbong Marcos sa economic development ng Bataan, particular na sa power plants.

Sinabi ito ng pangulo noong inauguration ng National Grid Corp. of the Philippines’ Hermosa-San Jose 500-kiloVolt (kV) sa Balsik, Hermosa.

Pinuri din ni Pres Marcos ang Bataan- Mindoro gas project at ang Bataan-Cavite-Interlink Bridge (BCIB).

Ang architect, nagplano at nasa likod nito si Congressman Abet Garcia na nagsabing “some 5 million vehicles will pass through BCIB yearly, and this will certainly decongest Metro Manila from monstrous traffic jams.”