
2 drug suspek laglag sa shabu, boga
KAMPO MAJOR HENERAL LICERIO I, GERONIMO, Taytay, Rizal–Dalawang lalaki ang nahuli ng mga pulis na may dalang mahigit 13 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng halos P90,000 at baril sa Brgy. Pag-asa, Binangonan, Rizal noong Biyernes.
Narekober kina alyas Christian at alyas Rey ang anim na sachet na may lamang 13.21 na gramo ng shabu at may standard na presyo na P89,828; buy-bust money, limang P100 bills, isang sling bag, isang kalibre .22 na magnum at apat na bala, ayon kay Rizal police director P/Col. Felipe B. Maraggun.
Nahuli ang dalawa sa operasyon ng Municipal Drug Enforcement Team ng Binangonan police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).