
‘Pinasilip ang langit’
KAHIT gaano pa kadilim ang mga larawang ibinahagi ng Vivamax actress na si Angeline Aril sa kanyang Instagram page, pinasilip pa rin niya ang “liwanag ng langit” para sa kanyang male fans.
Namintana ang juicy “behind” ng sexy star sa post sa kakarampot na liwanag sa kanyang naging sexy photoshoot.
Nang tamaan ng ilaw ang kanyang wetpaks, tinamaan naman ang mga barako ng init sa kanilang katawan. Maliwanag nga sa kanila na lalamanin na naman ng kanilang pantasya dahil sa tawag ng laman ang hubog ni Angeline.
Sumingit din ang nangamusta niyang singit sa suot na one-piece bodysuit. Kabogera ang matambok na balakang ng Vivamax actress.
Nanlalaban din ang “face card” ni Angeline. Dyosa ang atake ng kanyang beauty, talagang kering mamingwit ng atensyon ng mga kalalakihang bumibisita sa kanyang social media pages.
Kahit na baguhan pa lamang sa industriya, naipamalas na agad ng 19-year-old FEU student na si Angeline ang kanyang husay sa pag-arte nang bumida siya sa Vivamax original film na “Cheaters” kung saan ipinalabas sa umpisang linngo ng Abril ngayong taon.
Nito nga lang Hunyo, muling naipamalas ni Angeline ang kanyang husay sa pag-arte nang maitampok para sa kanyang ikalawang proyekto sa nasabing video on-demand app na pinamagatang “Mahal Ko Ang Mahal Mo.”
Sa direksyon ni Aya Topacioang nabanggit na pelikula kung saan kasama ni Angeline ang iba pang Vivamax stars tulad nina Angelica Hart at Van Allen Ong.