Acidre3

25 bagong ambulansya hatid ni Speaker Romualdez, Tingog sa R8

July 1, 2024 Ryan Ponce Pacpaco 205 views

DALAWAMPU’T limang ambulansya ang hatid nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Tingog Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre sa Eastern Visayas (Region 8) upang matulungan ang mga pasyenteng kailangang ibiyahe sa rehiyon.

Ang turnover ceremony para sa mga ambulansya ay ginanap sa Madison Park Hotel, Manlurip, Tacloban City noong Hunyo 28.

Nakatuwang ng Tingog sa proyekto ang Department of Health Region 8.

Ang Eastern Visayas Region ang nakatanggap ng pinakamaraming ambulansya mula sa Tingog Party-list. Ito ay itinuturing na isang mahalagang hakbang upang mapalakas ang kakayanan na rumesponde sa mga emergency sa rehiyon.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng mga bagong ambulansya ang San Miguel Rural Health Unit, San Policarpo Rural Health Unit, Arteche Rural Health Unit, Maydolong Rural Health Unit, at Pastrana Health Unit.

“Accessible healthcare continues to be a challenge Tingog is committed to solve. This turnover is a step forward in ensuring Filipinos receive essential government services,” ayon kay Rep. Acidre.

“We are determined to deliver timely medical assistance within reach, not just for the people of Eastern Visayas, but to all Filipinos.”

Ang turnover ceremony ay pinasinayahan nina Rep. Yedda Marie K. Romualdez, Rep. Acidre, at Regional Director Exuperia B. Sabalberino, MD, MPH, CESe.

“Tingog Party-list remains dedicated to advancing healthcare services and infrastructure in the region, continuously striving to meet the needs of the community through various initiatives and partnerships,” ayon pa kay Rep. Acidre.

AUTHOR PROFILE