Andi

Andi nagpugay kay Jaclyn sa 34th b-day

June 25, 2024 Vinia Vivar 300 views

Sa pagdiriwang ng kanyang ika-34 na kaarawan kahapon (June 25), binigyan ng tribute ni Andi Eigenmann ang namayapang ina na si Jaclyn Jose sa pagbibigay sa kanya ng buhay.

Sa Instagram post ng dating aktres, sinabi niya na araw-araw niyang naalala ang kanyang ina pero mas lalo na ngayong kaarawan niya.

“Everyday, but more today, I remember my mother.

“As I celebrate my 34th birthday, I honor the person that brought me into this world and gave me this beautiful life. There was no other live like yours, Nanay,” pagpupugay ni Andi sa ina.

“I will always cherish this wonderful gift you gave me.

As you are now amongst the stars, I know that i will always be guided by your shining light. You’ll always be with me Nanay,” pahayag pa ng dating aktres.

Matatandaang pumanaw si Jaclyn noong March 2 sa edad na 59 dahil sa atake sa puso.

AUTHOR PROFILE