
BINI fans naging unruly sa Independence Day performance ng grupo
HINDI maikakaila ang growing fandom ng current hottest Filipino all-girl pop group na BINI na binubuho nina Mikha, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Jhoanna at Sheena na binubuo ng Star Magic nung kasagsagan ng pandemic nung 2020.
Kung ang Filipino fans ay grabe ang adulation sa Korean pop groups, it’s about time na homegrown talents naman ang ating suportahan.
Although may touch ng K-Pop ang training at dating management ng first P-Pop group na SB19, the very first Pinoy Pop Group and Southeast Asian act to reach the Top 10 ng Billboard Year End Social 50 Chart, proud ang Pilipinas dahil sila bale ang kauna-unahang Pinoy pop group who broke into00 the international market.
Ang SB19 ay binubuo ng Pinoy all-boy group na nina Stell, Justin, Josh, Pablo at Ken at nagsimula namang pumaimbulog ang popularity ng grupo nung 2018 hanggang ngayon and was trained just like any other K-Pop groups in South Korea.
Ang kaibahan naman ng BINI, ito’y homegrown talents na binuo mismo sa Pilipinas at dito rin dinibelop as an all-girl pop group at goal ng grupo na ma-penetrate din nila ang international market tulad ng SB19 at mga K-Pop groups ng South Korea.
Last June 10, ang sariling website ng BINI na bini.global was launched at kasunod na rito ang pagkakakaroon ng grupo ng official merchandise items.
Bukod siyempre sa SB19 na pride ng mga Pinoy, napatunayan na kaya pala ng Pilipinas na bumuo, mag-develop at magpasikat ng sarili nating Pinoy Pop group.
Nakatakdang magkaroon ng three-day solo concert ang BINI on June 28, 29 & 30 sa New Frontier Theater na pinamagatang “BINIverse” kung saan nila nakatakdang awitin ang kanilang debut single na “Born to Win” kasama ang iba pa nilang hit songs tulad ng “Na Na Na,” “Huwag Muna Tayong Umuwi,” “Lagi,” “Pantropiko,” “Salamin, Salamin” mula sa kanilang extended play album na “Talaarawan” maging ang kanilang upcoming single na “Cherry on Top”.
Samantala, na-cut short ang performance ng BINI sa celebration ng Indendence Day sa Qurino Grandstand last Wednesday, June 12 dahil sa pagiging unruly umano ng mga fans ng grupo na nagpilit umakyat ng stage where the group was performing. Blooms ang tawag sa mga BINI fans.
Masasayang blended families sa showbiz
BLENDED and modern family na maituturing ang pamilya ng OPM singer-songwriter, actor-comedian and host na si Ogie Alcasid whole first marriage to Australian beauty queen na si Michelle van Eimeren ay nauwi sa hiwalayan pero nagkaroon ng dalawang anak ang dating mag-asawa na sina Leila at Sarah. Ogie remarried Asia’s Songbird, singer-actress, host and celebrity endorser na si Regine Velasquez at nagkaroon ng isang anak na si Nate. Muli ring nakapag-asawa ng kapwa niya Australian si Michelle na si Mark Morrow. Pero
0nagpatuloy ang pagiging maganda ng relasyon ng dating mag-asawang Ogie at Michelle gayundin ang kanilang respective new partners na sina Regine at Mark.
Nang ikasal sina Ogie at Regine nung December 22, 2010 sa Terrazas de Punta Fuego in Nasugbu, Batangas ay dumalo si Michelle at bagong mister nitong si Mark at dalawa nilang anak ni Ogie na sina Leila at Sarah. Ito rin ang ginawa nina Ogie at Regine nang ikasal sina Michelle at Mark nung November 21, 2009. Since then ay regular na nagre-reunion ang dalawang pamilya either sa Australia, Pilipinas o sa ibang bansa kasama ang kanilang mga anak na sina Leila, Sarah at Nate.
Muling nagkaroon ng reunion sa dalawang pamilya sa Australia bilang joint celebration ng kaarawan ni Mark at magkakasunod na school graduation nina Leila, Sarah at Nate.
Ang maganda sa paghihiwalay noon ng mag-asawang Ogie at Australia, hindi ito nauwi sa drama tulad ng ibang celebrity couples na nauuwi sa hiwalayan. Nanatiling magkaibigan sina Ogie at Michelle at hindi nagpabaya ang una sa kanyang obligasyon bilang ama sa kanilang dalawang anak.
Ang hindi namin makakalimutan nang awayin kami (over the phone) ng ama ni Michelle na si Martin nang malaman nitong may relasyon ang kanyang anak kay Ogie during our time sa OctoArts Films. Sina Ogie at Michelle ang mga pangunahing bida sa pelikulang “Manolo en Michelle: Hapi Together” produced ng OctoArts kung saan may kontrata dati ang dalawa. The two got married nung 1996 at nagkahiwalay nung 2007.
Sa simula pa lamang ng relasyon noon nina Ogie at Michelle ay hindi na aprubado ang ama ni Michelle pero unti-unti itong nabago nang maipakita ng mister na ngayon ni Regine Velasquez kung gaano ito ka-responsible as a family man. Since then ay natanggap din niya ang kanyang (dating) manugang para sa kanyang anak.
Ang blended family nina Ogie at Regine at Michelle at Mark ay maihahalintulad sa respective families ng dating couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera maging ang now-annuled couple na sina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson maging sa longtime partner na ngayon ni Pampi, ang dating Kapuso actress na si Iwa Moto pati sa kanilang mga anak na sina Thirdy, Mimi at CJ Lacson.
Sen Jinggoy naaawa sa mga naiwan ni Chito
MULI naming nakita si Sen. Jinggoy Estrada sa first night wake ni Chito del Rosario Ilacad sa Arlington Memorial Chapels in Quezon City last Wednesday, June 12 evening.
Naging very close sina Sen. Jinggoy at Chito nung nabubuhay pa ang huli. Naaawa ang senador sa tatlong naiwang anak ni Chito at ng yumaong misis nitong singer at hitmaker na si Yolly Samson-Ilacad na sina Michael, Michelle at Miggy laluna ang huli na may special needs na lubusan nang ulila.
Nai-share din sa amin ng senador na natutuwa umano siya sa pagkakapasa ng The Eddie Garcia law dahil magbi-benefit ito aniya sa mga manggagawa sa indutriya ng pelikula at telebisyon.
Hindi gaanong nagtagal ang senador sa burol dahil nasa hospital ang kanyang anak na si Julian na tinamaan ng dengue.
Reunion sa lamay
OVER at the wake of Chito R. Ilacad sa Arlington Memorial Chapels in Quezon City ay naroon din ang Kapamilya young star na si Alexa Ilacad na anak ni Guy Ilacad, kapatid ng namayapa at younger brother ng OctoArts big boss na si Orly Ilacad.
Ito bale ang first time naming namataan si Alexa sa pagtitipon ng mga Ilacad and she bonded pretty well with her paternal relatives.
Hindi namin namataan si Alexa sa wake ng isa pa niyang uncle, ang dating miyembro ng grupong Boyfriends na si Art Ilacad na sumakabilang-buhay naman nung July 30, 2023.
Samantala, nakatutuwang balikan ang aming panahon noon sa Vicor (ng magpinsang Vic del Rosario, Jr. at Orly Ilacad) at OctoArts dahil sa ilang bisitang dumalo sa first night wake ni Chito.
Kasama namin si Boss Orly (ng OctoArts) sa tsikahan maging ang magkapatid na Baby Gil at Guia Gil-Ferrer (ng Viva ngayon), Nonoy Cabagnot (both with Viva and OctoArts noon) at ilan pang dating empleyado ng OctoArts kung saan kabilang ang Boyfriends member na si Gary Arriola. Naroon din siyempre ang iba pang mga kapatid ni Boss Orly na sina Sunny, Guy at Ricky (na nasa recording business pa rin).
Malungkot man ang setting, ito ang rare na pagkakataon na nagkikita-kita (animo’y reunion) ng dating magkakasama sa trabaho.
Sa final wake ni Chito kagabi ay dumating naman ang first cousins ng Ilacad brothers na sina Boss Vic del Rosario, Tess Cruz at mga anak ni Boss Vic na sina Vincent, Veronique at Valerie na siyang mga katuwang ngayon ni Boss Vic sa kanyang iba’t ibang negosyo ng Viva including his other son na si VR del Rosario na siya namang nangangasiwa sa Viva Foods business.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell Icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.