Default Thumbnail

24 bets sa Ms Manila ’24 rumampa sa harap ng press

June 11, 2024 Edd Reyes 333 views

BINIGYAN ng pagkakataon ang 24 na kandidata sa Ms Manila 2024 na magpakitang gilas sa mga members ng selection committee at media sa press presentation sa Swiss-Belhotel Blulane sa Sta. Cruz, Maynila noong Lunes.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, isa sa mga events ang beauty pageant para sa 453rd Araw ng Maynila.

Ang bawat kandidato, na isa-isang nagpakilala, binigyan ng pagkakataong rumampa suot ang kanilang gown at swimsuit.

Nagpamalas din sila ng kanilang katalinuhan at talento sa question and answer ng mga miyembro ng tri-media.

Matapos ang mga pagtatanong, napili bilang Darling of the Press si Charyzah Esparrago, 24, na kumakatawan sa Old Sta. Mesa.

Gaganapin ang Miss Manila 2024 Grand Coronation Night sa Hunyo 22 sa Metropolitan Theater.

Host ng event si dating Ms Universe Catriona Gray. Sasamahan siya nina Gabbi Garcia at Miss Universe ’22 Rbonney Gabriel.

Kabilang sa mga miyembro ng selection committee sina GMA 7 Executive Annette Gozon-Valdes, Sparkle’s Joy Marcelo, Ms Universe Philippines ’24 Chelsea Manalo at Charo Santos-Concio.

Itinaguyod ang Miss Manila ’24 ng Maynila, Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM), Kreativeden Entertainment, Cream Silk, Royal Aesthetics, Swiss-Belhotel Blulane, Global Tronics at iba pa.

AUTHOR PROFILE