MPD NA-CORNER–Nagsasagawa ng validation information ang mga pulis ng MPD Malate police station 9 matapos matimbog ang dalawang drug suspek sa Malate, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

2 huli sa droga sa Maynila

June 11, 2024 Jonjon Reyes 367 views

NASAKOTE ng mga operatiba ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District Malate Police station 9 ang isang lalaki at isang babae dahil sa iligal na droga sa Malate, Maynila.

Kinilala ng mga pulis ng Malate police station ang mga suspek na sina Alyas Oteng, 43, at alyas Doray, 28.

Base sa report ni Police Capt. Jose Ric Morelos, dakong ala-1:30 ng madaling araw ng mahuli ang dalawa sa Mother Ignacia sa Brgy. 701.

Nahaharap sa kasong paglabag sa seksyon 2 at 11 Artikulo II ng RA 9165 ang dalawa matapos masamsam ang 26 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P176,800.

AUTHOR PROFILE