
Maja ikinuwento ang buwis-buhay na panganganak sa Canada
MUNTIK na palang maoperahan si Maja Salavdor dahil sa kanyang panganganak.
Tatlumpong oras siyang nag-labor at 12 oras dito ay wala siyang epidural, isang injection para mawala ang sakit.
“…[Three] hours of pushing, [then] ended up having an episiotomy and forceps. Two contractions and seven pushes later, we finally welcomed our baby Maria,” ani Maja sa kanyang Instagram post
“Immediately had 10 minutes of skin-to-skin contact with her, but biglang nagka-emergency. I had uterine inversion, [kaya] kinailangan nilang kunin sakin si Maria at binigay nila kay Rambo [Nuñez, mister niya], who was seated helplessly next to my bed,” kuwento niya.
Ang uterine inversion ay isang pambihira pero seryosong kumplikasyon sa panganganak kung saan anvg uterus ay lumalabas. Kapag hindi ito naagapan, ang isang ina ay maaring mawalan ng maraming dugo, na pwedeng maging sanhi ng shock o pagkamatay.
Ayon kay Maja, tatlong doktor ang nagtulung-tulong upang itulak paloob ang kanyang uterus kaya nawalan siya ng halos apat na litrong dugo at ang kanyang blood pressure ay bumaba hanggang 60/40.
“Sinabihan na lang ako ng Doula ko na anytime I would have to go to the operating room for surgery. That time sabi ko na lang sa sarili ko na I can’t do anything anymore. Ubos na ubos na lakas ko,” she continued.
“I started praying Hail Mary, paulit-ulit kahit wala na akong lakas. And miraculously, after their last attempt, one of the OB GYN succeeded in repositioning my uterus. AMEN!” she exclaimed.
Nagpapasalamat si Maja ssa medical staff, sa kanyang mga mahal sa buhay lalo nasa mister na si Rambo na nag-alaga sa kanya.
“Recovering now. Ang swerte kong kasama ko ang pamilya ko dito sa Canada,” aniya pa. “To My Maria, everything is worth it! I love you, anak.”