Vic Reyes

PBBM, inatasan ang BOC na pabilisin pa ang serbisyo!

June 9, 2024 Vic Reyes 459 views

KAILANGAN talaga ang mabilis pero maayos na pag-proseso at paglabas ng mga importasyon sa mga pantalan sa buong bansa.

Kaya nga iniutos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na magtrabaho 24/7.

Ito ay para ma-accommodate “the increasing influx of shipments into the country’s ports, ayon sa isang press statement ng ahensya.

Ipinaliwanag pa ng BOC na ang direktiba ng Pangulo “requires collaborative support from all stakeholders in the supply chain.”

Ang mga stakeholder ay kinabibilangan ng shipping lines, arrastre operators, terminal operators at warehouse facilities.

Kasama rin ang financial institutions at trucking operators.

Ayon sa BOC, na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, malaki ang papel ng mga stakeholder na ito.

“They (stakeholders) play a vital role in ensuring efficient cargo release, encompassing several stages,” ayon sa press statement.

Ang close coordination ng mga stakeholder ay mahalaga para maiwasan ang “delays” sa paglabas ng mga importasyon.

Sinabi pa ni Commissioner Rubio na sisikapin nilang makipag-coordinate sa stakeholders para makabuo sila ng mga mekanismo.

Ang mga mekanismo ay naglalayong maisakatuparang mabuti ang direktiba ni Pangulong Marcos.

Inisyu ni Pangulong Marcos ang direktiba noong nagpulong ang Private Sector Advisory Council-Infrastructure Sector Group sa Palasyo.

Kasama sa miting sina Enrique Razon,Manuel Pangilinan, Eric Ramon Recto, Joanne de Asia, Ramoncito Fernandez at Daniel Aboitiz

Sa tingin ng marami, napapahon ang order ni Pangulong Marcos dahil palapit na ang tinatawag na “ber months” sa bansa.

Bago pa nga dumating ang “ber months” ay dadagsa na sa bansa ang Christmas items.

Sa totoo lang, hindi lang pang-regalo sa Pasko sa mga kamag-anak at kaibigan ang inaasahang parating ng Pilipinas.

Pati mga Christmas lights, appliances at iba pang gamit na mabili tuwing panahon ng Holiday Season sa bansa.

****

Umaabot pala ng mahigit 1.6 milyong tao ang namamatay sa buong mundo taon-taon dahil sa pagkain ng “unsafe foods.”

Ito ay ayon mismo sa World Health Organization (WHO), isang ahensya ng United Nations (UN) na kung saan miyembro ang Pilipinas.

Sinabi pa ni Francesca Branca, head ng nutrition and food safety ng WHO, na mas matindi ang epekto ng unsafe foods sa mga bata.

Hinimok din ni Branca ang mga bansa na isali sa kanilang mga programa ang pagtiyak sa safety ng mga pagkain.

Tama lang ito dahil basta na lang binibili ng tao ang mga pagkaing ipinagbibili sa merkado.

***

Nakabubuwisit naman ang mga pinaggagawa ng mga taga-.China sa West Philippine Sea (WPS).

Kailangan daw nating humingi ng permiso sa China kung tayo ay magkakaroon ng “resupply mission” sa BRP Sierra Madre.”

Ano kayo? Ang lugar na kung saan nakasadsad ang BRP Sierra Madre ay nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Tayo lang ang dapat nasa lugar na ‘yan. Walang karapatan ang mga Singkit na nasa loob ng ating teritoryo.

Sila ang dapat humingi ng pahintulot para sila’y makapunta sa lugar. Dapat nga lumayas sila sa ating mga teritoryo.

Siguro panahon na para makasama natin ang mga barko ng Estados Unidos, Japan at Australia sa pagpapatrolya sa WPS.

Dapat nga nakabantay na sa lugar ang mga barkong pandigma ng US Seventh Fleet.

Wala tayong ganyang problema noong sa Subic Bay pa ang headquarters ng kinatatakutang US Seventh Fleet.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text lang sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan)

AUTHOR PROFILE