Pakistani national huli sa P235M shabu
TINATAYANG nasa P235 milyon na halaga ng shabu ang nakumpiska sa buy-bust sa isang Pakistani national sa isang 5-star hotel sa Roxas Boulevard sa Malate, Manila noong Huwebes.
Nakilala ang suspek sa alyas ZP, 50-anyos
Nahuli ang suspek bandang alas-9:10 ng gabi ng magkasa ng buy-bust ang mga otoridad sa naturang lugar.
Isang kasamahan ng suspek, si Akram Muhammad Fahieem, 59, ang nakakuha ng impormasyon na nag resulta sa pagkaka aresto sa nasabing dayuhan.
Narekober sa suspek ang 10 plastic packed vacuum na selyado na may labeled A2 Business INC. Citric Acid Powder na pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng 47 kilo na aabot sa mahigit kumulang na P235 million.
Bukod dito, nakumpiska din ang isang I phone 15, mga hotel cards, isang BDO ATM cards at isang trolley bag.
Isang Toyota Fortuner, isang Morris Garages vehicle at cash na P5,750 ang narekober din 4ng mga operatiba.