Regine

Netizens pinatulan ang joke ni Regine

May 31, 2024 Vinia Vivar 331 views

Idinaan sa biro ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang mga meme tungkol sa kanya sa tuwing sumasapit ang tag-ulan dahil sa kanta niyang “Tuwing Umuulan.”

Sey niya sa X (dating Twitter), pinaghahandaan na niya ang mura sa kanya ng taumbayan ngayong tag-ulan.

“Tagulan na ba?? Kasi kailangan na akong maghanda sa mga murang matatanggap ko thisyeer (laughing crying tears emoji),” tweet ni Songbird.

Aliw na aliw naman ang netizens sa sinabi ni Reg at ipinost pa nila ang mga meme patungkol sa Songbird.

Isang funny meme ay ‘yung kumakanta si Regine ng lyrics na “buhos na ulan aking mundo’y lunuring tuluyan” habang binabaha na ang mga lugar sa Kamaynilaan.

“Tama na pls!” saad pa sa meme.

Sa isang meme naman ay may nakalagay na “pisti ka!”

Tawa nang tawa ang netizens sa comment section at pinatulan din nila ang joke ni Regine.

AUTHOR PROFILE