
Kyline at Kobe may namamagitan ba?
IS there something special brewing sa pagitan ng basketball player na si Kobe Paras and Kapuso young star na si Kyline Alcantara?
Namataan ang dalawa na magkasamang nag-dinner sa isang kilalang restaurant in Makati kamakailan lamang at napansin din ng netizens ang pag-share ng uploaded photo ni Kyline with matching heart emoji. Kung may namumuo mang relasyon sa dalawa ay wala namang magiging problema dahil pareho naman silang unattached ngayon. Hiwalay na si Kobe sa anak ng aktres na si Ina Raymundo na si Erika Rae Poturnak at nag-break na rin sina Kyline at ex-boyfriend na si Mavy Legaspi. Si Kobe ay nakababatang kapatid ng Kapuso actor na si Andre Paras at mga anak ng estranged couple na sina Benjie Paras at Jackie Forster.
It was only last year nang magkahiwalay sina Kyline at Mavy. Nung isang taon din nag-separate sina Kobe at Erika but it was a mutual decision dahil hindi nag-work out ang kanilang long distance relationship.
Kobe is 26 at 21 naman si Kyline and they share their birthday month. September 3 ang Kapuso actress at September 19 naman ang basketball star.
Jiro handa nang bumalik, ghustong bumawi
THIRTY-two-year-old former award-winning child actor Jiro Manio (Katakura) is back in top form at puwede nang sumabak muli sa acting kung nanaisin nito at magkakaroon ng offers.
More than half of his life ay kanyang sinayang nang ito’y mututong magbisyo ng ipinagbabawal na gamot since he was 14 years old bagay na kanyang pinagsisihan ngayon.
Aminado ang actor na katorse lamang siya nang magsimula siyang humitit ng marijuana, owned an un-licensed gun hanggang tuluyan na siyang malulong sa masamang bisyo which caused his career bilang actor.
Inamin niya na tumatakas umano siya noon sa kanilang bahay para kitain ang iba niyang mga kakilala na siyang nag-introduce sa kanya sa droga. Since kumikita ang teen actor noon, kaya niyang tustusan ang kanyang bisyo hanggang sa siya’y tuluyang malulong dito. Since nagiging sakit na siya sa ulo ng Star Magic, binitawan siya at sinalo umano siya ng yumaong award-winning director na si Direk Maryo J. de los Reyes. Pero kahit si Direk Maryo J at hindi siya napigilan sa kanyang bisyo.
When Direk Marjo J. passed on, it hit him hard at lalo siyang na-depress sa pagkawala ng kanyang tatay-tatayan in showbiz kaya lalo niya binalingan ang drugs, this time ay shabu na ang kanyang tini-take kaya lalo umano siyang nabaon sa pagiging durugista.
Aminado si Jiro na anim na beses umano siyang sumailalim ng rehab pero sa huli niyang rehabilitation sa isang facility in Bataan ay doon umano niya na-realize ang kanyang mga pagkakamali at sinayang na panahon. Kakaiba rin umano ang approach na nasabing facility dahil TLC (tender loving care) ang ipinakita sa kanya at sa lahat ng kanyang mga naging kasamahan. Sa loob din umano niya natutunang maging malapit sa Diyos. Dahil dito ay ginanahan umano siyang magbago lalupa’t marami umano siyang mga naging kaibigan sa loob.
After one year, nag-prisinta siyang volunteer sa nasabing rehab and started to earn a little money. Kahit hanggang ngayon ay bumabalik-balik umano siya roon for his own maintenance meds na patuloy niyang tini-take hanggang ngayon.
“Bawal po sa akin ang ma-stress, “ aniya. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapag-trabaho nang maayos.
“But I’m okey na po,” paniniguro nito sa amin.
Ang kanyang Daddy Andrew (his maternal grandfather) ang tumayong ama’t ina kay Jiro at sa kanyang nakababatang kapatid na si Anjo. Maliliit pa umano sila ng kanyang brother nang sila’y iwan ng kanilang ina para mag-Japan. Sa Japan din naka-base ang kanyang maternal grandmother na kapatid ng kanyang Daddy Andrew na never nang nag-asawa to take care of Jiro and his brother Anjo.
Nang magkasakit ang kanyang inang si Joylene Santos ay bumalik ito ng Pilipinas at apat na taon itong inalagaan ni Jiro hanggang ito’y sumakabilang buhay. Ulilang lubos na si Jiro dahil maging ang kanyang Japanese biological father na si Yusuke Katakura ay pumanaw na rin nang hindi man lamang niya nasilayan at nakilala.
“Nag-effort noon si Mommy Ai (Ai-Ai de las Alas) na hanapin ang biological father ko pero nalaman na wala na ito,” kuwento pa ni Jiro.
Ito ba ang dahilan kung bakit siya sa pagda-drugs at a young age.
“Hindi naman po. Wala po akong sinisi kahit sino,” aniya.
“Wala po akong sinumbatan dahil sa nangyari sa buhay ko dahil sarili ko itong kagagawan,” salaysay pa niya.
Kung mabibigyan si Jiro ng panibagong pagkakataon, gusto niyang bumawi sa kanyang Daddy Andrew na never nagpabaya at tumalikod sa kanya.
Jiro was only 12 years old when she won grand slam bilang Best Child Actor for his 2003 movie na “Magnifico” directed by the late Maryo J. de los Reyes mula sa iba’t ibang award-giving bodies. He’s the youngest actor na pinarangalan ng Best Actor Award at age 12. The same film won for him Best Child Actor mula sa FAMAS, PMPC Star Awards at FAP Award mula sa Film Academy of the Philippines. Nung 2001, siya rin ang nahirang na Best Child Actor for “Bagong Buwan” na pinagbidahan ni Cesar Montano at pinamahalaan ng yumaong award-winning director na si Marilou Diaz-Abaya and got acting award nominations sa pelikulang “Mila” in 2001 at “Foster Child” nung 2007.
Ilan sa mga pelikulang kanyang sinamahan ay ang comedy film na “Ang Tanging Ina” in 2003 na pinagbidahan ni Ai-Ai de las Alas sa mga sequels nito. He was also part of the fantasy series na “Spirits” nung 2004 hanggang 2005at ang gay-themed comedy na “Manay Po” nung 2006 maging ang sequel nito.
Sa aming exclusive na panayam sa actor, inamin nito na kinse anyos pa lamang siya nang siya’y maging ganap na ama sa kanyang ex-partner four years his senior. Dalawang daughters ang naging bunga ng kanilang pagsasama, sina Mishka Caxiopeia Katakura at Sisha Calliope Kataruna na pareho nang tinedyer ngayon ay nasa kalinga ng kanilang ina na may sariling pamilya na ngayon in Quezon Province.
“Gustong kong makasama ang mga anak ko isa sa mga araw na ito,” asam pa niya.
Hindi rin ikinakaila ni Jiro na sobra umano niyang nami-miss ang showbiz na gusto niyang balikan.
Elijah in-demand, nakabalikan si Miles?
NAPAKA-IN demand ngayon ng award-winning young actor na si Elijah Canlas na regular na napapanood sa dalawang tumatakbong TV series, ang “FPJ’s ang Probinsyano” at “High Street” na parehong top-rating at nasa primetime.
Elijah was in his teen (14) nang siya’y unang mapansin sa indie movie na “Sundalong Kanin” na sinundan ng kanyang award-winning movie na “Kalel, 15” which gave him his first Gawad Urian award, FAMAS at sa 17th Asian Film Festival maging sa Harlem International Film Festival in Harlem, New York, USA.
He was also cited for the indie movie “Edward” maging sa kanyang unang TV series na “Gameboys”.
Although napabalitang break na sila ng kanyang girlfriend na si Miles Ocampo nung isang taon, mukhang nagkabalikang-muli ang dalawa.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.