JM

Ulalam na nakakaunli-rice

May 18, 2024 People's Tonight 257 views

SUSUHAN kita.” Ito ang komento ng mga bebot matapos mapansin ang malaking ipinagbago ng katawan ng hunk aktor na si JM De Guzman.

Sa Instagram post nito na may caption na “heart,” iflinex ni JM ang kanyang malaking dibdib at six-pack abs.

Matatandaang dinumog ng basher noon ang “What If” star dahil sa pagtaba nito, kaya laking gulat ngayon ng netizens na bumalik na ang alindog ng aktor.

Napa-extra rice pa nga ang kanyang female fans dahil sa inihanda nitong “ulalam” na pictures.

Bumuhos naman ng “congratulations,” “sexy mo na,” at “pakasalan kita,” ang comment section ng “Fridge” aktor.

AUTHOR PROFILE