Beaver

PREEM NG ‘WHEN MAGIC HURTS’ DINUMOG

May 14, 2024 Vinia Vivar 295 views

Overwhelming ang suportang ipinakita ng mga taga-Nueva Ecija sa red-carpet premiere night ng When Magic Hurts na pinagbibidahan nina Beaver Magtalas, Maxine Trinidad at Mutya Orquia.

Ginanap ang premiere night sa NE Pacific Mall sa Cabanatuan last Sunday at saksi kami kung gaano karaming tao ang dumagsa para suportahan ang pelikula ng kanilang kababayang si Beaver.

Kaya naman masayang-masaya ang young actor pati na rin ang buong cast sa tagumpay ng preem night.

“I’m really happy na nabigyan po talaga ako ng opportunity to show it here. Of course, this is like my first big movie po, so I want to show it din po sa mga kapwa-Nueva Ecijano, and of course, to my friends and family here. Hindi na po nila kailangang lumuwas to see it,” sey ni Beaver.

Sey naman ni Maxine, “Sobrang grabe ng love nila for Beaver. And what is amazing po about Nueva Ecija, grabe ‘yung support nila, not just for Beaver but to all the cast. So, sobrang nakakataba ng puso.”

Nakakatuwa rin na may kanya-kanya nang fans ang loveteam ni Beaver sa dalawang leading ladies niya. May team Beaver-Mutya at mayroon ding team Beaver-Maxine.

Sa pelikula kasi ay love triangle silang tatlo at siyempre, kailangang pumili ng karakter ni Beaver ng isa lang.

Kaya naman natanong din namin ang young actor kung sino ang pipiliin niya sa totoong buhay if ever.

Tawa nang tawa ang Star Magic talent at aniya, ang hirap naman daw ng tanong.

“Siguro po, ngayon, work muna. Ang pipiliin po ngayon is work,” sey niyang natatawa.

Pero sobrang happy raw niya to be working with these two beautiful ladies at nag-enjoy silang lahat doing the film lalo pa nga’t kinunan pa ito sa breathtaking mountain and garden views of Atok, Benguet.

Showing na sa mga sinehan nationwide ang When Magic Hurts sa May 22 mula sa direksyon ni Gabby Ramos.

Kasama rin sa cast sina Dennis Padilla, Angelica Jones, Archie Adamos, Cassie Kim, Dennah Bautista, Julian Roxas, Blumark Roces at Aryanna Barretto with special participation of Claudine Barretto.

AUTHOR PROFILE