Magic3

Beaver may ibubuga sa aktingan

May 13, 2024 Jun Nardo 326 views

BINULABOG ng cast ng pelikulang When Magic Hurts, led by Beaver Magtala, Mutya Orquia, Maxine Trinidad, Dennis Padilla at Claudine Barretto, ang Pacific Mall sa Cabanatuan, Nueva Ecija nang magkaroon ito ng premiere night sa tatlong sinehan sa mall last Sunday.

Puring-puri ni Filipina Magtalas, ina ni Beaver, ang mga artista lalo na si Claudine na very cooperative sa promotions ng movie na showing sa sinehan sa May 22.

Na-capture sa movie ang ganda ng Atok, Benguet, pati na ang flower farm sa Baguio City.

Nakatabi namin sa upuan ang father ni Beaver na si Konsehal Alvin Magtalas na enjoy na enjoy sa reaction ng mga tao kahit ilang beses na niya itong napanood.

Guest ang Marites University hosts kung saan kabilang ang inyong lingkod kasama sina Ambet Nabus, Rose Garcia at Mr. Fu na nagsilbing hosts bago ang premiere night.

Guwapo ang rehistro ni Beaver sa movie at may ibubuga rin sa aktingan. Magagaling din ang ibang cast gaya nina Claudine at Dennis.

Ipinarinig din ni Beaver ang boses niya dahil siya ang kumanta ng theme song na Got To Believe In Magic.

Sa interview namin sa main cast, ibinuking ni Maxine na may resibo siyang video sa sweetness nina Beaver at Mutya dahil madalas silang magkasama sa shopping at iniiwan siya.

Congratulations sa lahat!

AUTHOR PROFILE