Default Thumbnail

33 arestado sa Ilegal na droga sa Batangas

May 13, 2024 Jojo C. Magsombol 267 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Umabot sa 33 ang naaresto ng mga pulis-Batangas kaugnay ng ipinagbabawal na droga, ayon sa report kay Batangas police director Police Colonel Samson Belmonte.

Nagresulta sa pagkakakumpiska ng 35.31 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P243,499 ang 29 na operasyon ng mga pulis sa lalawigan, ayon pa kay Belmonte.

Tugon ang walang puknat na anti-drug operations ng Batangas sa panawagan ni CALABARZON police chief Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas na sugpuin ang ilegal na droga sa limang lalawigan ng CALABARZON.

“Nananatiling matindi ang pagpupursige ng inyong kapulisan sa paglaban sa ilegal na droga. Tuloy-tuloy lamang po ang aming pagsisikap para makamit ang isang ligtas na Batangas,” sabi ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE