Dingdong

Dingdong nagagamit ang natutunan bilang navy reservist

May 13, 2024 Aster Amoyo 559 views

IKINUWENTO ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na nagagamit niya ang values at prinsipyo na natutunan niya sa pagiging navy reservist sa maraming aspeto ng kanyang buhay.

“Para sa akin ang laki ng naitutulong sa akin ng values and principles na iyon. That were reinforced when I joined the reserve force. Kasi ang mga prinsipyo nito ‘yung prinsipyo ng integridad, ‘di ba?

“Integrity, ‘yung resilience, discipline, honor and pinaka mahalaga sa lahat, ‘yung loyalty. Lahat ng mga ito, nagagamit ko sa aking profession as an aktor. Nagagamit ko in my everyday life.”

Maliban sa pagiging aktor, nagagamit din ni Dingdong ang mga natutunan niyang prinsipyo sa pagiging isang ama at asawa.

“Higit sa lahat, nagagamit ko siya sa pagiging isang ama. Nagagamit ko siya sa pagiging isang asawa at pagiging isang anak,” sabi pa ni Dong.

Ibinahagi din ng actor-TV host ang kanyang pagmamahal sa trabaho at sa industriya na humubog sa kanya.

Janice sobrang proud kay Kaila

JaniceSOBRANG proud si Janice de Belen sa anak na si Kaila Estrada dahil sa mga papuri na natatanggap nito sa role na Bettina Tiu sa serye na Can’t Buy Me Love.

Nagulat din si Janice sa pinapakitang husay ni Kaila sa pag-arte.

“Sobrang proud! You know as a parent I am the happiest because for me that is an answered prayer I always pray for my children for them to be more successful than I ever was,” sey ni Janice.

Lagi nga raw paalala ni Janice sa mgq anak na kahit ano ang pasukin nilang karera sa buhay, always do their best.

“Do your best, you will always succeed in life if you do your best. Kasi ako mapa-maliit mapa-malaki, gawin mo yung best mo mapa-relasyon, sa career, do your best. Mahalaga yun,” diin pa ni Janice.

David nakatutulog na nang maayos

DavidMAAYOS na raw ang pagtulog ni David Licauco pagkatapos sumailalim sa isang procedure para sa kanyang sleep apnea.

Hindi na raw nagsa-struggle ang Pambansang Ginoo sa kanyang paghinga tuwing natutulog ito.

“Usually, sa umaga, talagang wala ako sa mood, and then, hirap ako huminga pagkagising ko. So it takes a while talaga for me to warm up, but today parang ‘Uy, wow. Ito pala ‘yung feeling ng maayos ‘yung tulog,’

“Based on last night, I think it was really helpful. What they did was parang cinauterize nila ‘yung other part of my nose kasi my nose has a blockage, so ‘yung airway ko hindi siya nakakadaan.

Kapag natutulog ako, nagko-close siya,” ayon kay David.

Ang procedure ay radiofrequency ablation, na 30 minutes lang ang inabot. Pero may isa pa raw procedure si David na para naman sa kanyang lalamunan.

“Feeling ko hindi lang din naman sa trabaho na-affect eh, also like pakikitungo sa mga tao since bad mood nga ako sa umaga even sa afternoon so ayun.

“Pasensya na kung minsan eh mukha akong wala sa mood but I’m getting there, I’m getting better, and I’m improving,” paniguro ni David.

AUTHOR PROFILE