Andi

Tsikang hiwalayan muling pinabulaanan ni Andi

May 12, 2024 Vinia Vivar 113 views

Minsan pa ay pinabulaanan ni Andi Eigenmann ang tsikang hiwalay na sila ng partner na si Philmar Alipayo.

Sa kanyang Instagram Story ay nag-post ang aktres ng larawan nila ni Philmar at sey niya sa caption, “kami pa naman.”

Lately kasi ay biglang nagkaroon ng tsikang hiwalay na sila na nagsimula nang hindi makasama si Philmar sa Japan trip ni Andi with her kids and siblings.

Nagtaka ang netizens kung bakit nga hindi nakasama si Philmar at nag-speculate na nagkakalabuan na sila ni Andi.

Bukod pa rito ay inanunsyo rin kasi ng aktres na hindi na muna matutuloy ang kasal nila ni Philmar this year dahil nga sa biglang pagpanaw ng ina niyang si Jaclyn Jose.

Pinagdugtung-dugtong na ito ng netizens and came up with a conclusion na hiwalay o divorced na raw sina Andi at Philmar.

Matatandan na in-adress agad ito ni Andi pagkagaling na pagkagaling niya sa Japan.

Aniya, “I literally went on a vacation with my brother and our kids, and come home to find out, through the internet, that I’ve just been separated.”

AUTHOR PROFILE