Rabiya

Rabiya nagsalita sa problemang ‘body dysmorphia’ ng celebrities

May 11, 2024 People's Tonight 1003 views

MARAMI rin palang naging insecurity ang beauty queen-turned-Kapuso actress na si Rabiya Mateo pagdating sa physical appearance.

Matagal na umano niyang problema ang severe acne scars na nagagawan lang ng paraan na takpan ng make-up.

Nariyan din ang naging pamumuna ng netizens sa hubog na kanyang katawan, lalo na tuwing nagge-gain siya ng weight at sinasabi agad na buntis siya.

Meron din siyang experience nu’ng Miss Universe Philippines 2020 pageant kung saan pinintasan ng netizens ang maiitim niyang tuhod.

Pero para kay Rabiya, ang bawat problema, may solusyon.

Sa kaso niya, dumating ‘yon nang kunin siyang celebrity endorser ng Royal Aesthetic Clinic na pinamumunuan ng CEO nitong si Arlene Cris Damot at COO nitong si David Jayabalan.

Sa launching nga ng girlfriend ni Jeric Gonzales kahapon bilang Royal Aesthetic endorser, nagbigay ito ng ‘sensitibong’ payo sa mga babaeng tulad niya.

Sey ni Rabiya, na nag-a-undergo ng vampire facial with microneedling sa Royal Aesthetic, “Go to a doctor. Alam n’yo po, especially with celebrities, a lot of people are having body dysmorphia and I’m speaking on behalf of a lot of, you know, celebrities na nakausap ko and its so hard kasi people would always nitpick sa hitsura namin. And minsan, pumapasok po siya sa isip namin. So bilib po ako sa maraming tao na kapag kunwari nagkakaroon ng bashing about their body kaya nilang i-shake off pero there are also individuals na nasasaktan sila at nawawala ‘yung confidence nila about that. But always kung may problem, meron po tayong solusyon. ‘Yun po talaga ‘yung nakalagay sa isip ko.”

Ayon sa Hopkins Medicine, ang body dysmorphia o body dysmorphic disorder (BDD) “is a mental health problem. If you have BDD, you may be so upset about the appearance of your body that it  gets in the way of your ability to live normally.”  \

Dalawa sa causes nito ay “bullying” o “teasing.”

Nu’ng una, aminado si Rabiya na nasasaktan siya sa bashing, pero natuto na rin daw siyang ihiwalay ang pribado niyang buhay sa public opinion.

“And its not easy po. It doesn’t happen overnight na ‘ah, okay, ito dapat ‘yung mindset ko. Parang it took a lot of issues and problems din bilang artista for me to learn from it,” pahayag pa niya.

AUTHOR PROFILE