Jenn Rosa Larawan mula sa IG/Jenn Rosa

‘Uwian na, may nanalo na’

May 11, 2024 People's Tonight 385 views

“UWIAN na, may nanalo na.” Isa lamang yan sa komento ng mga netizens nang muling ipangalandakan ng Vivamax actress na si Jenn Rosa ang kanyang pagiging bombshell.

Tila bombang sumabog sa mga kalalakihan ang kaseksihan ng sexy star mula sa mga promotional pictures na ibinahagi nito sa Instagram.

Talagang walang uuwi sa mga barako dahil panalo na naman sila sa inihaing patakam ni Jenn para sa kanila.

Matamis na parang ponkan ang ngiti ng kanyang male fans sa paandar niyang mapang-akit na alindog habang suot ang two-piece orange bikini.

Mapapa-wish ang mga kalahi ni Adan sa mapangahas na posisyon ni Jenn sa post niya na tila isang estatwang hinahagisan ng barya dahil sa ganda.

“Handa ka na bang makilala si MINERVA???” sey niya sa caption ng kanyang post.

Tampok si Jenn sa newest Vivamax original film na “Kulong” kung saan gagampanan niya ang karakter ni Minerva. Sa direksyon ang nasabing pelikula ni Sigrid Polo at ipapalabas sa May 24.

Tila naloka naman ang netizens sa hotness ng sexy star. Agad nilang pinusuan at binaha ng fire emojis ang comment section ng nasabing post.

Bukod sa mga bagong proyekto, nakilala si Jenn sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Hibang (2023), Araro (2023) at Bisyo! (2023).

AUTHOR PROFILE