Dina Dina Bonnevie at mister na si DV Savellano

Dina ipinagdasal ang pagdating sa buhay ng mister

May 11, 2024 Aster Amoyo 240 views

AYON kay Dina Bonnevie, hindi na niya inaasahang muli pa siyang iibig matapos ang ilang pinagdaanang relasyon. Ngunit natagpuan niya ito sa asawa niya ngayon na si Deogracias Victor o “DV” Savellano.

“‘Yung sinasabi nila na ‘Love comes from the most unexpected place,’ totoo ‘yon,”

“I never thought. Wala na akong gana eh. I didn’t want to have a boyfriend, I didn’t want to go out. Nothing. It came at a time I least expected it. I was 50. Sabi ko nga, ‘Lord, parang meron nang nakasulat sa noo ko na ‘Consume before January 27, [2012]. Kasi on that day, 50 na ako. Kung meron Kang ibibigay, ibigay Mo na at baka may expiration date na ako!’

“Sabi ko, ‘Kung hindi mo ibibigay, sabihin Mo na. Kasi hindi na ako magpapaganda. ‘Wa na. Pero kung ibibigay Mo, now na. Tapos dumating,” sabi ni Dina sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong nakaraang Biyernes.

Ikinasal si Dina kay DV noong 2012, na noo’y Ilocos Sur Vice Governor.

Isa na ngayong undersecretary sa Department of Agriculture si DV.

Raheel naghahanda na para ligawan si Jillian

Raheel
Raheel Bhyra

AMONG sa Boys of Summer ng Sparkle, mukhang itong si Raheel Bhyria ang puwedeng natawag na playboy.

Nali-link kasi ang 22-year old Filipino-Pakistani sa mga young actresses na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, at Jillian Ward.

Pero nilinaw ni Raheel na hindi raw niya niligawan sina Andrea at Francine. Mga kaibigan lang daw niya ang mga ito.

Si Jillian naman, na co-star niya sa ‘Abot-Kamay Na Pangarap,’ ay close naman sa kanya.

“Sobrang close po namin. In the future, gusto ko po sanang… I want to be closer with her, so kung ligawan ‘yung way to get closer with her, then…“ sabay ngiti pa ng Sparkle hunk.

Noong nakaraang Valentine’s Day ay binigyan pala ni Raheel si Jillian ng bouquet of pink tulips at chocolate bars. Noong 19th birthday naman ng teen star, hinintay ni Raheel na hatinggabi bago siya nagtungo sa bahay nito para magdala ng regalo, kasama ang isang puting pusa.

Yasser may wish para sa kanila ni Claudine

Yasser
Yasser Marta

AFTER aminin ni Yasser Marta na nahulog ang loob niya kay Claudine Barretto nang gawin nila ang series na “Lovers/Liars,” tinanong ang aktor kung naging magkarelasyon ba sila ng batikang aktres.

“Naging kayo ba ni Ms. Claudine Barretto?” diretsahang tanong kay Yasser.

“Hindi po,” sagot ni Yasser.

Dahil dito, inusisa si Yasser tungkol sa sinabi niya noon na nagkaroon siya ng pagtingin kay Claudine noong gawin nila ang “Lovers/Liars.”

“Sino ba ang hindi mahuhulog sa isang Miss Claudine Barretto? Napakalambing, napakaganda, lahat ng iwi-wish mo nasa kaniya na,” sabi ni Yasser.

Kung may kakayahan, sinabi ng Sparkle actor na ibabalik niya ang oras para naging magkasabay sila ni Claudine sa industriya.

“Ako, kung maibabalik ko lang siguro ‘yung panahon dati na sabay kaming nandito sa industriya,” sabi pa niya.

AUTHOR PROFILE