Marbil1

PNP chief Gen. Marbil sa mga parak: Give your best for PH

April 8, 2024 Alfred P. Dalizon 391 views

HINIKAYAT ni Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Francisco Marvil ang lahat ng kanyang kapwa pulis na ibigay ang lahat ng magagawa para sa mga mamamayan at bansa.

Sa kanyang “short but sweet” message sa 8-minutong flag ceremony noong Lunes, sinabi ng opisyal na dapat tandaan ng lahat ng miyembro ng PNP ang dalawang napakahalagang regalo mula sa Panginoon.

“It’s the choice to do good and the chance to make a difference so let us give them (people) a better service, let’s give the community the best service we can give them,” ayon sa 55-anyos na PNP chief.

Binigay ni Marbil ang pinakamaikling mensahe ng isang PNP chief mula ng itatag ang PNP noong 1991.

Ito din ang pinakamaikling flag-raising na isang tradisyon sa Camp Crame simula ng mga naunang 29 na PNP chiefs bago si Gen. Marbil.

Ipinag-utos ng ika-30 Chief PNP ang pagpapaikli ng kanilang programa kada-Lunes para mabilis na masilbihan ng mga pulis ang publiko bago mag alas-8:00 ng umaga.

Nagsimula eksaktong 7:30 ng umaga ang traditional ng flag-raising rites sa Camp Crame at natapos makalipas lang ang walong minuto.

Ito ay sinimulan ng pag-awit ng Lupang Hinirang, prayer at ang pagbigkas ng Panunumpa sa Watawat at ang PNP Officers’ Creed.

Ito ay sinundan ng maiksing mensahe ni Gen. Marbil at winakasan ng pag-awit ng PNP Hymn.

Bago umupo si Marbil inaabot ng mahigit isang oras ang seremonya tuwing Lunes sa camp Crame dahil parang Gettysburg address ang speech ng karamihan sa mga nakalipas na PNP chief.

Napakaiksi din ang flag retreat noong Biyernes dahil tinanggal na ang ibat-ibang seremonya na ikinagalak ng mga Uniformed at Non-Uniformed Personnel dahil mas maaga silang makakauwi ng bahay.

AUTHOR PROFILE