Lacuna

Honey pinasalamatan Manila City Hall workers na nagtrabaho noong Holy Week

April 1, 2024 Edd Reyes 292 views

PINASALAMATAN ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang mga city hall workers na nagtrabaho noong Semana Santa.

Isa-isang binanggit ng alkalde ang mga workers ng departamento na nagtrabaho gaya ng Market Administration Office (MAO), City Engineering Office, City Electrician Office, Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Department of Public Service (DPS) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Pinasalamatan ng alkalde ang MTPB na pinamumunuan ni Dennis Viaje dahil naging maayos ang prusisyon ng Mahal na Poong Nazareno noong Semana Santa.

Tinapos ng alkalde ang kanyang pagsasalita sa pagsasabing matatanggap na ng mga kawani ang kanilang bonus sa Abril 2.

Nagbigay ng maikling talumpati si MAO Officer-In-Charge Zenaida Mapoy dahil sila ang punong abala sa flag ceremony.

AUTHOR PROFILE