Herlene Larawan mula sa IG/Herlene Budol

Herlene sobrang hot

March 26, 2024 People's Tonight 1182 views

NAG-AAPOY na kaseksihan ang ibinida ng beauty queen at comedienne-actress na si Herlene “Hipon” Budol.

Inihain ng ‘Magandang Dilag’ actress ang kanyang curvaceous body sa latest Instagram post nito kung saan ibinahagi niya ang isang behind the scene video ng kanyang naging shoot.

Tila nangamusta sa netizens ang singit ni Herlene dahil sa suot niyang two-piece bikini. Kakarampot na tela na lamang ang tumatakip sa kanyang hiyas at nang tumalikod ay bumulaga naman ang pisngi ng kanyang wetpaks dahil sa T-back style na panty. Maging ang dyoga niya ay angat ang pagkalusog sa bra na sumasalo rito.

Winner ang kakinisan ng comedienne-actress, walang bakas ng kahit anong dilim ang pasikot-sikot ng balat nito. Walang itinatago ang kanyang katawan dahil pati ang kaluluwa niyang labas ay kering-keri sa labanan.

Bukod sa disenyong apoy ng suot ng beauty queen, talaga namang nag-init ang kanyang male fans sa comment section dahil sa ibinubugang init ng kanyang sex appeal.

Inulan ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang nasabing post ni Herlene. Narito ang ilang komento nila:

“Sana di kana nag takip EME HAHAHAHAHAHAHAH,SOBRANG REAVELING KASE IH ,,slayy kaparin naman.”

“Hala grabihan sobrang hoootttt!!!”

“Tapos ini-issue na jontis. Nasaaaan?? Napaka sexy pa rin talaga!!”

“Ang hot grabe asan na kaya ung aspiring beauty queen na nagbabatikos sayo… Pwet mo palang ang kinis na eh asan kaya un dina paramdam eh.”

“Sana ganyan din katawan ko.”

“Ipadala niyo to sa Miss Grand juskoooo.”

AUTHOR PROFILE