Nicole Larawan mula sa IG/Nicole Cordoves

Nicole may perlas na dapat matuklas

March 15, 2024 People's Tonight 302 views

KUNG sirena lang si Miss Grand International 2016 1st Runner-Up Nicole Cordoves ay tiyak na magtatalunan sa tubig at sisisirin na parang isda ng mga barako ang kanyang perlas. Nanaisin ng mga ito ang lumangoy sa kamunduhan at kaligayahan.

Nagmistulang si Ariel ng “The Little Mermaid” na umahon sa dagat at nagkapaa ang model-host sa kanyang latest Instagram post.

Petmalu ang kanyang wet na wet look sa suot niyang two-piece swimsuit.

Kabogera ang toned body ni Nicole, siguradong mabubuhayan na naman ang mga barako kapag izo-zoom in ang larawan ng beauty queen.

Pati nga ang actress at former beauty queen na si Ruffa Gutierrez ay napahanga sa kaseksihan ni Nicole.

“Love it hottieeee,” sey ni Ruffa.

Narito pa ang ilang komento ng netizens sa kanyang ibinidang hotness: “ayy sirenaaa,” “Lalong uminit panahon miii,” “Yasss,” at “So pretty.”

AUTHOR PROFILE