
Salampak na may kamandag
KAKAIBANG init ang sumirit sa ibinanderang kaseksihan ng aktres na si Pamela Prinster at dumaloy sa natutulog na ugat ng mga barako ng social media.
Killer body niya ang bumulaga sa netizens ng Instagram matapos niyang ibahagi ang ilang larawan nang magtungo sa Siargao.
Tila ayaw lisanin ni Pamela ang isla para sa kanyang bikini life. Ayon pa nga sa kanyang caption “don’t want to leave.”
May pa-cheetah print ang ‘What We Could Be’ actress sa suot niyang two-piece swimsuit. Talaga namang angat na angat ang kanyang perpektong hubog.
Sa isa pa ngang larawan ay makikitang todo-salampak sa buhanginan si Pamela na sinamahan pa ang makamandag niyang titig at mapang-akit na awra sa camera.
Pansin na pansin sa comment section ng kanyang post ang mga papuri sa hotness na ibinalandra ng TV personality.
Ayon sa ilang komento ng netizens: “So hot! hotter than the sun,” “On your natural habitat,” “Exotic angel,” “SO PRETTY ATE PAM,” at “So sexy idol!”