
Kuweba pinakulo ni Robb Guinto
BINULABOG ng Vivamax actress na si Robb Guinto ang isang kuweba sa Boracay.
Sa isang Instagram post, pasabog ang patakam ni Robb ng kanyang bikini body sa Crystal Cove Island.
“Escape Somewhere Tropical,” sey niya sa caption ng kanyang post.
Mukha mang malamig ang agos ng tubig kung nasaan ang Vivamax actress. Pinakulo naman niya ang sexual fantasy ng mga barakong bet na bet siyang matikman dahil sa taglay niyang kariktan at kaseksihan.
Umagos ang reaksyon mula sa netizens sa pagbabanderang ito ng alindog ni Robb. Binaha ng fire emojis at pinusuan nila ang kanyang post.
Ayon sa ilan nilang komento: “Grabe naman mi NAPAKA sexy mo,” “Always so pretty,” “[Mukhang] malamig ang tubig. Pero noong [nandyan] ka uminit sa [balingkinitan mong katawan] hehehe,” at “May paa yung mermaid oh.”
Nakilala si Robb sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang X-Deal 2, High (School) On Sex, Showroom, Virgin Forest, Afam, Boy Bastos at iba pa.