
Christine Reyes, may pamatay na bewang
MAS napa-”W.O.W” ang mga netizen sa bagong upload na larawan ngayon ng aktres na si Cristine Reyes sa kanyan Instagram account.
“35,” numero lang ang caption ni Cristine dahil nag-celebrate ito ng kanyang ika-35 birthday, kalakip ang kanilang masaya at sweet na sweet na beach getaway ng kanyang boyfriend na si Marco Gumabao.
Sa mga larawan iba’t-ibang bikini ensemble naman ang suot ng “Kidnap for Romance” star pero iisa lang ang napansin ng netizen, ang kanyang pamatay bewang na hinawakan ni Marco, magandang physique, at makinis at glowing na kutis nito.
Hindi naman na sorpresa para sa mga netizen ang mala-reynang alindog ni Cristine Reyes dahil natural na ang ubod na ganda nito. Hiling lang nila na sana huwag sumabay sa hiwalayang trend ang dalawa at gusto pa nilang patunayan ng lovebirds na “nasa bata ang true love.”
Narito ang kanilang mga komento:
“Happy birthday aa!! Ang hot mo naman!”
“Please! Huwag kayong maghiwalay.”
“Dahan-dahan sa sweetness gusto ko kayo pero ayokong masyadong umasa hehehehe gusto ko din kasi ang beadom kaso ayun na nga . So, sana kayong dalawa na talaga magpatunay.”