
Mag-asawa ginapos, tinepok sa loob ng bahay sa Batangas
ISANG mag-asawa ang pinatay ng di pa kilalang mga salarin sa loob na kanilang bahay noong Sabado sa Tanauan City, Batangas.
Ayon sa Tanauan City police ay nakilalang sina Allen at Khegzy.
Mabilis na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang kapatid ni Khegzy matapos matuklasan ang insidente.
Sinabi ng kapatid na nagtungo sila sa bahay ng mag-asawa bandang ika- 7:20 a.m., ika-3 ng Pebrero dahil hindi sumasagot ang mga biktima sa kanilang mga mensahe kung kaya’t nag-alala na sila.
Nang dumating sila sa bahay ng mag-asawa ay nakita nila itong parehong nakabulagta at naliligo sa sarili nilang dugo sa loob ng kanilang kuwarto.
Sa imbestigasyon sinabi ng mga otoridad na ang dalawa ay nakagapos at itinali sa pamamagitan ng duct tape.
Isang maigsing baril at isang bala ng kalibre .9mm ang nakita malapit sa bangkay ni Allen.
Patuloy ang ginagawang inbestigasyon ng mga kapulisan.