
Dating alaga ni Direk Maryo, balik-acting
ISANG hardinero ang role ni Chad Solano sa Dilig, directed by Christian Paolo Lat at kasalukuyang palabas sa Vivamax.
“Mahirap ang role ko at may sakit ang nanay ko kaya nagawa kong pumasok sa ganu’ng trabaho,” sabi niya.
“Magaling akong mag-alaga ng mga halaman. Hindi ko ini-expect na bigla akong mapapaibig sa dalawang amo ko.”
Si Rica Gonzales ang gumaganap na asawa ng mayamang lalaki na ginagampanan ni Archie Adamos habang ang anak naman nila ay si Dyessa Garcia.
Si JD Aguas ang anak-mayamang manliligaw ni Dyessa.
Taong 2017 unang na-discover si Chad ng late director na si Maryo J. delos Reyes na naging judge sa Bikini Open na sinalihan ng sexy actor.
“Mga 16 years old pa lang ako noon,” sabi ni Chad. “Isinama ako ni Direk Maryo sa Bamboo Flowers (2013). Isinama rin ako ni Direk Maryo sa Masculados. Isinama nila ako sa mga gigs nila.”
Pagkamatay si Direk Maryo noong 2018, natigil ang showbiz career ni Chad.
Muli siyang sumulpot nang makita ng talent manager na si Jojo Veloso sa TikTok.
“Matagal din po niya akong niligawan, mga six to eight months, bago napapayag akong bumalik sa showbiz,” pahayag ni Chad na taga-Pangasinan.
“Na-convince ako ni Tito Jojo nang nakita ko ang mga alaga niya. Sina AJ Raval, Angeli Khang, na pinadala ang mga pictures sa akin.”
Nakapareha na rin ni Chad si Angeli sa Ganti-Ganti (2023) ni Direk Mac Alejandre.
“Hanggang ngayon, hindi pa rin artista ang tingin ko sa sarili ko,” aniya. “Trabaho lang lahat ito.”
Bunso siya sa apat na magkakapatid. Nasa Pangasinan (Urdaneta) pa rin ang pamilya niya at hanggang ngayon ay tumutulong pa rin siya sa kanila.
Sobrang blessed ang naramdaman ni Chad nang mabigyan siya ng second chance sa showbiz.
“Na-overwhelm din ako at masaya,” aniya. “Nailalabas ko rin ang talent ko sa pag-aartista. Nabigyan ako ng second chance.
“Nakabili na ako ng mga appliances namin tulad ng air fryer, burner, microwave at mga kailangan ko sa gym para sa mga health conscious na tulad ko. Bumili rin ako ng tricycle na ipinapapasada ko,” dagdag niya.
Samantala, kasama ni Chad sa Dilig sina Dyessa, Rica, JD at ang beteranong actor na si Archi Adamos.