Dennis

Dennis, may open letter kay Julia

February 1, 2024 Vinia Vivar 368 views

Naglabas ng maikli ngunit madamdaming open letter si Dennis Padilla para sa kanyang anak na si Julia Barretto.

Sa kanyang Instagram ay nag-post ng larawan ni Julia si Dennis at hiniling na sana ay magkita at magkausap sila ng anak.

“Dear Juy… Hindi ko matandaan kailan tayo huling nagkita… Hindi ko din matandaan kailan tayo huling nag usap… sana anak….,” ang unang post ng komedyante.

Pero matapos ang ilang oras ay in-edit niya ang mensahe.

“Dearest Juy… Hindi ko matandaan kailan tayo huling nagkita… Always praying for more blessings… Good luck sa new movie mo…,” ang edited message ni Dennis.

Matatandaan na walang tigil si Dennis sa pagbati sa kanyang mga anak through his social media page. Parati rin niyang hinihiling na sana ay makita niya ang mga ito subalit dedma naman ang mga ito.

Noong nakaraang Pasko ay binati rin ni Dennis ang mga anak na hindi naman siya sinagot.

NAKISAYA’T NAGPAKILIG

Extra special ang Dinagyang Festival ngayong taon dahil no less than Jennylyn Mercado and Carla Abellana ang nakisaya sa annual festival ng Iloilo City.

Nabalot nga ng saya at kilig ang Iloilo last Saturday, January 27, sa Kapuso Fiesta na pinangunahan ng mga bida ng seryeng Love. Die. Repeat. at Stolen Life.

Kasama pa nila ang co-star ni Jen na si Mike Tan at Asawa ng Asawa Ko actor na si Bruce Roeland.

Damang-dama ang good vibes at positive energy sa Robinsons Iloilo dahil sa hiyawan at tilian ng supporters ng Kapuso stars.

Hindi maikubli ang ningning sa mga mata ng mga Ilonggo habang hinahandugan sila ng heartfelt songs nina Jennylyn, Mike at Bruce na talaga namang nagpakilig at kumumpleto sa Dinagyang experience nila.

Kakaibang entertainment naman ang handog ni Carla dahil nakipag-eksena siya kasama ang ilang Ilonggo fans na tila parte sila ng Stolen Life.

Kudos to GMA Regional TV dahil patuloy nilang ginagawang extra special ang selebrasyon ng mga naglalakihang festival ng bansa tulad ng Dinagyang Festival.

AUTHOR PROFILE