
Netizens, naintriga sa sightings kina Kathryn at Echo
Kumalat sa social media ang mga larawan nina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo na magkasamang nagdya-jogging recently.
Isang netizen ang nagpa-picture sa dalawa at ipinost ito sa Facebook.
“Post ko na din sa wall ko para may remembrance. Kasabay lang namin mag-jogging sila Kathryn Bernardo and Jericho Rosales. ‘Wag na mag-showbiz question kasi ‘di ko alam ang sagot,” ang caption ng netizen sa larawan nila nina Kathryn at Echo.
Maya-maya ay in-edit ng netizen ang kanyang caption at dinagdagan ng “EDIT: May iba silang kasama. Si John Manalo pala!! Sorry na.”
Nagbahagi rin ang netizen ng video sa Tiktok kung saan ay makikita namang nagdya-jogging sa race track sina Kath at Echo with a guy na aniya ay si John Manalo.
Nag-viral ang mga naturang larawan at video at marami ang naghinala na may nilulutong project marahil para sa dalawa kaya sila magkasama
“Baka may project collab sila. Spotted din sila sa isang bar the other day,” komento ng isang netizen.
“Sana they’re just building some rapport bec my project sila. Parang weird kung may something,” sey naman ng isa pa.
Matatandaan na kamakailan ay sinabi ni Echo sa isang Instagram post na gusto niyang makatrabaho si Kathryn.
Nag-post ang aktor ng mga larawan ng mga male actor at tanging si Kath ang nag-iisang aktres.
Caption niya, “While I would love to be paired with these gorgeous leading men, I think it would make more sense to work with…”
Bukod sa jogging sighting, namataan din sina Echo at Kathryn sa birthday dinner ni Direk Johnny Manahan (Mr. M) last January 26 kasama sina Maja Salvador, Bea Alonzo, Piolo Pascual at John Lloyd Cruz.