Default Thumbnail

e-BOSS ng Antipolo LGU muling nagbukas para sa business owners

January 13, 2024 People's Tonight 567 views

MULING nagpaalala ang Antipolo City LGU sa mga business owners sa lungsod kaugnay sa application ng new business permits at renewal ng mga existing business permits.

Ayon kay Antipolo City Mayor Jun Ynares, patuloy na magiging available ang electronic Business One-Stop-Shop o e-BOSS sa mga mamumuhunan sa lungsod.

“Nagsimula na naman ang isang bagong taon, at kasabay po nito ang muling pagsisimula ng Electronic Business One-Stop Shop o e-BOSS. Katulad ng nakaraang taon, fully online pa rin po ang application ng new business permits at renewal ng mga existing business permits,” ayon kay Mayor Jun.

Sa mga nagnanais na apply o renew online, maaari lamang na mag mag-log on sa https://antipoloonline.egapsonline.com para i-upload ang mga scanned copies ng mga requirements katulad ng: Unified Application Form (online application); DTI Business Name Registration / SEC Registration; Barangay Business Clearance (na makukuha kasunod ng online application); TCT o Tax Declaration / Contract of Lease (kung umuupa); Community Tax Certificate (Cedula) / Corporate Tax Certificate (na makukuha kasabay ng online application) at; Financial Documents.

Magsasagawa ng online screening at review ang mga regulatory offices na katulad ng sa Office of the Building Official (OBO) Clearance; Locational/Zoning Clearance (ZAO); Environmental Permit to Operate (CEWMO); Sanitary Permit to Operate (CHO) – Occupational Permit (PESO); Fire Safety Inspection Certificate (BFP); at iba pang mga National Government Agency Clearances kung kinakailangan para sa business na ina-apply o nire-renew.

Online din ang pagbabayad, maaring buksan ang account at i-click ang “Process to Payment”. Piliin ang “PayMaya e-wallet” (Maya o GCash) o ang PayMaya / VISA / Mastercard / JBC

Pero nilinaw ng Antipolo LGU na hindi maaaring mag-renew ng business permit via online application ang mga sumusunod at kailangan na personal na magsadya sa tanggapan ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) upang maisaayos ang inyong mga dokumento sa pagpapa-renew ng business permit.

Kabilang na dito ang mga may outstanding balance (pagkakautang); kailangang mag-retiro o magsara (closure) na businesses; mga na-issuehan ng Notice of Violation; mga businesses na hindi nakapag-renew mula 2015 pababa; at mga may nais na ipabago sa mga detalye ng negosyo (amendments).

“Sa mga hindi naman techy na ating mga kababayan, worry no more dahil gaya ng dati, laging ready to assist naman ang ating mga kawani sa eBOSS Online Assistance Area sa Ground Floor ng Antipolo City Hall Main Building,” dagdag ni Mayor Jun.

Para maiwasan ang pagdagsa at pagsisiksikan ng ating mga aplikante sa City Hall, maaari naman na magpa-schedule ng pagpunta sa online booking ng link na: https://bit.ly/e-BOSS-OnlineBooking

Para sa mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa Antipolo City BPLO Hotlines: 8689-4535/8689-4586.

Bukas ang eBOSS hanggang January 20, 2024.

AUTHOR PROFILE