Default Thumbnail

Lumakas ang bench ng economic team

January 12, 2024 Allan L. Encarnacion 345 views

Allan EncarnacionWELCOME development ang pagkakahirang kay Batangas Congressman Ralph Recto bilang Finance Secretary.

Maraming nagsabing magaling si Recto sa financial management pero mas magaling daw sa bilangan ng sukli si Madame Vilma Santos, lalo na sa budget ng pamalengke nila sa bahay.

Kidding aside, fresh start ito para sa Finance department bilang isa sa miyembro ng economic team ng bansa. Lumalim lalo ang bench ng pamahalaan para maisulong ang kaunlaran.

Speaking of economic team, makakasama rin si Recto ni Budget Secretary Mina Pangandaman na isang budget genius.

Suportado ni Sec. Pangandaman ang pagpasok ni Recto as Finance chief at binabanggit niyang mapapalakas ang economic team ng bansa.

Congrats Sec Recto.

***

Marami pa rin ang matitigas ang ulo na dumadaan sa Edsa busway.

May nahuli na namang driver ng congressman at senador na humaharurot sa Edsa busway.

Kargo ito ng mga senador at kongresman kaya dapat ay batukan nila ang mga driver nilang mapangahas pa rin!

Hindi naman kunsindor ang mga senador at kongresman kasi nga pangalan nila ang nakataya kapag umabuso mga tauhan nila.

Pero dapat mahigpit ang bilin nila, pag pumasok ulit sa Edsa busway, tanggal na sa trabaho!

[email protected]