Default Thumbnail

‘War of the Dragon Ladies’ sa Taguig?

January 12, 2024 Paul M. Gutierrez 485 views

PaulHINDI pa man humuhupa ang isyu sa pagkakalipat ng 10 ‘Embo barangays’ ng Makati patungong Taguig, heto at mainit naman ang usap-usapan sa posibleng banggaan ng mga bigating pangalan sa pulitika sa 2025.

Kung seryoso ang mga pahayag ni Makati Mayor Abby Binay, asahan na ang “mainit” na sagupaan na naghihintay sa mga taga-Taguig sa darating na halalan!

Mantakin n’yo mga kabayan, “babanggain” ni Mayor Abby si Taguig incumbent Mayor Lani Cayetano, na asawa ni Senador Alan Cayetano, ganern?!

Batid natin lahat na kapwa dekada nang “hawak” ng 2 pamilya ang kani-kanilang siyudad, at kung matutuloy ang bakbakang Binay-Cayetano, maituturing natin itong “Battle of Dragon Ladies’ sa larangan ng pulitika, partikular sa Metro Manila.

Kamakailan ay sinabi ni Mayor Abby na isang ‘option’ niya ang pagtakbo bilang mayor ng Taguig sa 2025. ‘Last term’ na si Mayor Abby bilang alkalde ng Makati. Si Mayor Lani naman ay bumalik noong isang taon matapos ang tatlong termino noong 2019.

Wala pang ibang pangalan ang naupo sa Makati bilang mayor simula pa noong post-Edsa kung saan na-appoint si dating VP Jojo Binay bilang officer in charge (OIC)– hanggang kasalukuyan mga Binay pa rin ang ‘ruling political family’ sa Makati.

Naisip lang natin, masikip na ba ang Makati para sa pamilya Binay kaya gusto ni Mayor Abby na “lumundag” ng ibang “kaharian?”

Matatapos na rin kasi ang termino ni Senador Nancy Binay ngayon 2025. Si dating mayor Junjun Binay ay wala sa eksena sa ngayon at tila imposible nang makabalik pa sa pulitika dahil sa mga sinabitang kaso nila ni VP Binay noong panahon ni PNoy. Kasalukuyan naman congressman ang asawa ni Mayor Abby na si Rep. Luis Campos Jr., sa 2nd district ng lungsod.

Pero ito ang malaking “sugal” sakaling tumuloy si Mayor Abby na tumakbo sa Taguig, mga kabayan.

Kailangan niyang mag-resign bilang mayor dahil sa ‘one-year residency’ ng ating batas sa eleksyon at ilipat ang kanyang voter registration sa Taguig para makatakbo sa anumang posisyon sa 2025.

Kung mangyari ito, ibig sabihin ay isusuko ni Mayor Abby ang mayorship kay VM Monique Yazmin ‘Nik’ Quirino Lagdameo?

Eh, paano kung “magpasiklab” si Vice Monique at magustuhan ng mga taga-Makati na dumiretso na sa 2025 elections at manalo? Baka mawala sa pamilya Binay ang Makati na ilang dekada na nilang “hawak?” Eh, di… Araguy, hehehe, ayy, huhuhu!

Sabagay nga, marami pang pwedeng mangyari. Ganyan ang pulitika sa ‘Pinas, mainit na masarap at exciting!

Kung ano ang susunod na kabanata? Abangan!

AUTHOR PROFILE