Buko vendor binutas ang dibdib ng 4 na bala, dedo
PATAY sa apat ng tama ng baril sa dibdib ang buko vendor noong Huwebes sa Quezon City.
Idineklarang dead-on-arrival sa Maclang Hospital si Jose Boy Diosmaparan Doremon, 46, ng Phase 3 Extension, Block 7 Lupang Pangako, Brgy. Payatas B, Quezon City.
Ayon sa Quezon City Police District Criminal Investigation Unit (QCPD-CIDU), dalawang naka motorsiklong ang bumaril sa biktima na tumakas matapos ang krimen.
Nangyari ang insidente dakong alas-6:50 ng gabi sa harap ng tindahan sa Phase 1 corner ng Clemente St., Lupang Pangako, Brgy. Payatas B, Quezon City.
Base sa salaysay ng isang saksi, nagtitinda ng buko ang biktima nang dumating ang riding-in-tandem. Isa sa mga ito ang bumaba ng motorsiklo at apat na beses na pinaputukan ang biktima.
Mabilis na tumakas ang tandem nang makitang bumulagta ang biktima.