Jhong

Jhong at pamilya naranasan ang malakas na lindol sa Japan

January 4, 2024 Aster Amoyo 369 views

Jhong1HINDING-hindi makakalimutan ng 47-year-old singer, dancer, actor, TV host and politician na si Jhong Hilario ang naging karanasan sa recent major earthquate with tsunami alert na nangyari sa western coastline ng Japan nung hapon ng New Year’s day, January 1, 2024. Kasama ni Jhong ang kanyang long-time partner na si Maia Azores at ang kanilang almost three year-old daughter na si Sarina Oceana na nagbabakasyon in Osaka, Japan for the holidays nang mangyari ang 7.6 magnitude earthquake sa North-Northwest ng Suzu na matatagpuan sa Noto Peninsula ng Ishikawa Prefecture na siyang sentro ng lindol na may kasamang tsunami at sunog.

Nasa kanilang room ng 22nd floor ng isang hotel in Osaka ang pamilya ni Jhong nang mangyari ang lindol at hindi nito ikinakaila na nakaramdam umano sila ng takot.

Hinintay umano nilang humupa ang lindol at nang sila’y makababa ay nakita nila ang lahat ng mga tao sa hotel at sa paligid na parang normal lang ang mga kilos na parang walang matinding lindol na nangyari.

Ang nangyaring 7.6 magnitude earthquake nung New Year’s day in Japan ay kasunod sa major earthquake and tsunami na nangyari nung March 11, 2011 in Fukushima, Japan with 8.9 magnitude na kumitil ng mahigit 18,000 na buhay, nakasira ng mga infrastructure, buildings, houses, roads, cars at iba pa and it happened 13 years ago.

Although hindi kasing lakas ang January 1 earthquare kumpara nung 2011, malaki rin ang naging pinsala nito at kasama na rito ang mahigit 60 katao ang namatay and some are still unaccounted for.

Napakaraming mga kababayan natin ang local residents na ng Japan at kasama sa kanila ang maraming Filipino workers and expats.

Sa gitna ng kalamidad in Japan, kitang-kita pa rin sa Hapon ang pagiging kalmado at disiplinado.

Ang Japan ay isa sa paboritong destinasyon ng mga Filipino lalupa’t apat na oras lamang (by plane) ang layo nito sa Pilipinas.

Misis ni Alfred na si Yasmine nakaraos sa kabila ng hirap magbuntis

VargasVargas1Vargas2KAMUNTIK tumama sa araw ng Pasko ang panganganak ni Yasmine Espiritu-Vargas, ang misis ng actor, producer, politician at entrepreneur na si Alfred Vargas na nagsilang ng kanilang 4th child a day after Christmas nung December 26, 2023.

Baby girl ang pang-apat na anak ng mag-asawa na kanilang pinangalanang Aurora Sofia Espiritu Vargas. Ang tatlo pang elder children ng couple ay sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra at ang kanilang only boy na si Alfredo Cristiano.

Aminado si Yasmine that she had a high-risk pregnancy sa kanilang bunsong anak ni Alfred.

Samantala, gaano man ka-busy si Alfred sa kanyang showbiz at political career, he makes it a point that he spends quality time with his family.

Naging masaya ang New Year’s celebration ng pamilya dahil kasama na nila si Baby Aurora Sofia and they are now a family of six.

Atty. Topacio at Baby Go magsasanib-puwersa

PicIBINALITA ng ace lawyer-turned film producer ng Borracho Films na si Atty. Ferdie Topacio that he’s co-producing a movie with businesswoman and movie producer na si Baby F. Go. Atlhough hindi pa sinasabi ni Atty. Topacio ang proyektong kanilang pagsasamahan, excited umano siya laluna’t marami-rami na ring pelikula ang na-produce ng BG Productions International at kasama na rito ang mga notable films tulad ng “Child Haus” mula sa panulat ni Ricky Lee at dinirek ni Joel Lamangan, “Tupang Ligaw” na pinagbidahan ni Matteo Guidicelli at pinamahalaan ni Rod Santiago, ang “Iadya Mo Kami” na sinulat din ng National Artist for Film and Broadcast na si Ricky Lee at pinamahalaan ng yumaong si Mel Chionglo, ang “Tres Marias” na dinirek ni Joel Lamangan at “Balatkayo” na tinampukan nina Aiko Melendez, Rodjun Cruz at James Blanco among others.

During her New Year’s get-together dinner with the entertainment media held at Pandan Asian Café in Quezon City, nangako ang successful businesswoman at film producer na mas magiging abala umano ang BG Productions ngayong 2024 sa tulong ng kanyang perennial line producer na si Dennis Evangelista.

Hindi man daw siya isang major movie producer, in her own little way ay gusto niyang makatulong sa industriya at makapagbigay ng trabaho hindi lamang sa mga artista, director, writers, production people kundi laluna sa maliliit na industry workers.

Magmula nang sumakabilang-buhay ang kanyang mister, mag-isa nang pinatatakbo ni Baby Go ang kanilang iba’t ibang negosyo.

Alden ayaw patulan ang gender issue

AldenAlden1Alden2KAPUSO prized singer, actor, host, celebrity endorser and entrepreneur Alden Richards turned 32 last January 2 and he celebrated his recent birthday with his family in the US.

Alden is the most sought after bachelor in town at maraming naggagandahang babae ang naga-aspire na mapalapit sa binata na hanggang ngayon ay nanatiling unattached. Ito rin ang rason kung bakit maraming netizens ang kumu-question sa kanyang kasarian just because he opts to remain single hanggang ngayon. Pero sa halip na patulan ang isyung ito, mas gustong mag-focus ng actor sa mas mga positibong bagay laluna sa mga bagay na kanyang piangkakaabalahan ngayon, ang kanyang singing, acting, hosting at business career.

Normal din sa isang katulad niya ang humanga sa magagandang babae pero hindi pa umano nito natatagpuan ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso and eventually ang gusto niyang makasama habambuhay.

Kung tutuusin, established na si Alden sa kanyang katayuan ngayon. Nasa kanya na ang lahat at kaya na niyang bumuhay ng sariling pamilya but he’s still looking for his “the one” na hindi pa umano niya nakikita.

Napaka-suwerte ng babaeng mamahalin ni Alden dahil kilala ito sa pagiging mabait, loving, caring, family-oriented at responsible bukod pa sa kanyang magandang estado sa buhay ngayon.

Just like in the previous years, nagpapasalamat sa Diyos si Alden dahil sa mga biyaya na patuloy na dumarating sa kanya na inaasahan niyang magtutuluy-tuloy ngayong 2024.

Alden made two remarkable movies last year, ang “Five Breakups and A Romance” na pinagtambalan nila ni Julia Montes at ang “Family of Two (A Mother and Son Story)” na pinagsamahan naman nila ng megastar na si Sharon Cuneta.

Kung naging busy ang taong nagdaan for Alden, he sees himself busier this year at kasama na rito ang pagpasok niya sa ibang field ng kanyang career bilang film director. He debuted bilang movie director sa pelikulang pinagbibidahan ni Heaven Peralejo under Viva Films. Isa na rin siyang film, events and concert producer na kanyang sinimulan sa movie nila ni Julia, sa reunion concert ng Eraserheads nung December 2022 and E-sports events.

Matutuloy na rin ang kanilang unang tambalan sa pelikula ni Anne Curtis under Viva Films this year at bukas din umano siya sa posibilidad na gawin ang part 2 ng “Hello, Love, Goodbye” nila ni Kathryn Bernardo na single ngayon matapos ang kanilang much-talked about break-up ni Daniel Padilla in November 2023.

Pursigido ang mga fans nina Alden at Kathryn sa pagpu-push ng balik-tambalan ng dalawa at inaaasam nila na sana’y si Kathryn na umano ang maging “the one” for the Kapuso actor.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE