Derrick Larawan mula sa IG/@derrickmonasterio

Derrick Monasterio itinangging beki siya

January 3, 2024 People's Tonight 415 views

BINIGYAN na ng linaw ng hunk model-actor na si Derrick Monasterio ang pang-uurirat sa kanya ng mga tao na parte siya ng LGBTQIA+ community.

Sa episode nitong Martes, January 2 ng GMA talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, tinanong ng buong respeto ang aktor kung siya ba ay bakla.

Nilinaw ni Abunda na matagal na panahon na raw kasing may speculation sa kasarian ni Derrick kaya’t nais nila itong bigyang linaw.

“Yes or no, are you gay?” tanong ng King of Talk kay Derrick.

Diretsahan namang sinagot ng hunk actor na hindi raw siya beki habang katabi pa ang kanyang nobya at aktres na si Elle Villanueva.

“No,” wika ni Derrick sa nasabing tanong.

Naikuwento rin ng kanyang girlfriend na minsan din nitong natanong ang aktor patungkol sa kanyang kasarian.

Nilinaw naman ni Derrick na hindi naman siya nabo-bother sa pang-uurirat sa kanya ng mga tao kung beki siya.

“Mas nabo-bother ako sa fact na bakit nila ginagamit na pang-asar ang pagiging bakla, eh wala namang masama doon,” pahayag ng model-actor.

AUTHOR PROFILE