
Pagdedemanda ni Richard kay Sarah, kinontra ni Ruffa
Nakatakda na umanong magsampa ng kaso si Richard Gutierrez laban sa asawang si Sarah Lahbati noong nakaraang Lunes pero napigilan ito.
Ito ang ibinalita ni Cristy Fermin sa kanyang showbiz vlog.
“Tulad po ng aming alam, ayon sa aming mga sources, dapat po, nu’ng nakaraang linggo pa, noong Lunes, ay nagsampa na ng demanda si Richard Gutierrez laban kay Sarah Lahbati pero napigil,” pagbabalita ni ‘Nay Cristy.
Ayon sa kanyang source, pinayuhan ng abogado si Richard na kausapin muna ang buong pamilya tungkol dito para makapagbigay ng iba’t ibang payo o opinyon.
Desidido na umano sana si Richard at full support sa desisyon ng aktor ang ina niyang si Annabelle Rama.
Ginawa umano ni Richard ang payo ng abogado na kausapin ang buong pamilya at ang unang-unang kumontra ay ang ate niyang si Ruffa.
“Umiiyak si Ruffa, ang sabi niya, ‘Chard, huwag na lang. Let’s wait for the right time.’ Kasi 10 years old na ngayon si Zion (eldest son nina Sarah at Chard), alam na tumutok sa social media.
Nagbabasa na. Alam na ang mga nagaganap. Nakakaawa naman daw ‘yung mga bata. ‘Yun ang sabi ni Ruffa,” lahad ni Nay Cristy.
Sumang-ayon naman ang ama nilang si Eddie Gutierrez, gayundin ang iba pang mga kapatid.
“At kahit si Tita Annabelle, ayon sa aking source, ay nagpahinuhod. Sinabi na ‘sige, pagbigyan pa natin.’ Pero kapag sinaktan si Richard sa demanda, talagang hindi sila uurong, labanan na ‘to kung labanan,” sey ng batikang manunulat.
Balak din kasi umano na magsampa ng kaso ni Sarah laban kay Richard at hindi pa malinaw kung ano ang charges, gayundin sa kung ano naman ang isasampa ng aktor laban sa misis.
Ang lumalabas kasi na tsika ay nanananakit umano si Chard habang si Sarah ay may third party diumano.
Abangan na lang natin kung saan hahantong ang usaping ito.
Samantala, bukas ang pahinang ito sa pahayag ng sinumang sangkot sa isyung ito.