
Zeinab kay Bobby Ray Parks Jr.:‘My 2023 best gift’
INULAN ng heart icons ang bagong upload na larawan ng social media personality na si Zeinab Harake sa kanyang Instagram.
Iflinex kasi ni Zeinab ang kanyang “best gift” na natanggap sa taong 2023.
“My 2023 Best Gift,” caption nito sa kanyang IG post, Disyembre 19, kalakip ang larawan nila ng Filipino-American basketball player na si Bobby Ray Parks Jr.
“Truly a blessing having you and kids come into my life this 2023. The best Christmas gift is you making time to see me and spend actual quality time amidst your busy schedule, mahal ko #FinallyMadeltOnTheFeed,” sweet na komento naman ni Bobby.
“I love you,” agad na reply naman ni Zeinab sa nasabing comment.
“Raynab forever” naman ang sigaw ng mga taga-hanga ng dalawa.