Miriam magkakaroon ng pangatlong miracle baby?

December 19, 2023 Aster Amoyo 469 views

IMG1IS former beauty queen Miriam Quiambao-Roberto pregnant sa ikatlong pagkakataon?

Ang 1999 Miss Universe 1st runner-up, commercial model, actress at dating TV host, entrepreneur, book author, motivational speaker and entrepreneur ay pinaniniwalaang buntis sa ikatlong pagkakataon courtesy of her husband na isa ring book author and motivational speaker na si Roberto `Ardy’ Roberto, Jr. The couple of who got married nung March 25, 2014 ay may dalawa nang anak na sina Elijah (4) at Ezekiel (2) na parehong isinilang ni Miriam in her mid 40s.

The former beauty queen, actress and TV host is now 48 and turning 49 on May 20, 2024 and considers her two sons `miracle kids’ dahil isinilang niya ang mga ito when she was in her 40s.

Umaasa ang mag-asawang Miriam at Ardy na sila’y mabibiyaan pa ng isang anak and this time ay babae na sana.

Si Miriam ay may isang stepson na si Joshua, an adopted son ng kanyang husband na si Ardy at namayapa nitong misis na si Tingting Roberto. Si Joshua ay kinu-consider ng mag-asawa as their eldest son.

Nung isang taon ay nag-desisyon ang mag-asawang Miriam at Ardy kasama ang kanilang mga anak na mag-move sa Boracay kung saan sila naka-base ngayon.

Miriam was formerly married to an Italian businessman based in Hong Kong na si Claudio Rondinelli pero tumagal lamang ang kanilang pagsasama ng almost two years at ito’y nauwi sa divorce in 2006. Years later ay nakilala naman niya ang kanyang second and present husband na si Ardy na isang widower na nauwi sa kanilang pagpapakasal nung March 2014.

Ang mag-asawang Miriam at Ardy ay parehong namataan sa recent Christian wedding ng dati ring beauty queen na si Venus Raj at mister na nito ngayon, ang non-showbiz guy na si North Orillan na ginanap sa CCF Center in Pasig City nung nakaraang December 12, 2023.

Ronaldo pina-cremate agad ng pamilya

ValdezValdez1Valdez2MATAPOS ang imbestigasyon na may kinalaman sa pagpanaw ng veteran actor na si Ronaldo Valdez (Ronald James Dulaca Gibbs in real life), nag-desisyon ang pamilya ng namayapa na ito’y i-cremate. Ang wake ay nagsimula isang araw matapos siyang matagpuang wala nang buhay sa kanyang kuwarto sa kanilang bahay in Quezon City nung Linggo ng hapon on December 17, 2023.

Ang wake ay ongoing sa Loyola Memorial Chapels & Crematorium in Guadalupe, Makati City kasunod ang interment to be announced later ng pamilya.

Bukod sa kanyang iniwang misis na si Maria Fe `Baby’ Gibbs, dalawang anak na sina Janno at Melissa Gibbs, his daughter and son-in laws at mga apo, nagluluksa ngayon ang buong industriya ng telebisyon at pelikula sa maagang paglisan ni Ronaldo, isa sa mga hinahangaan, nirerespeto at in-demand veteran actor na huling napanood sa pelikulang “Ikaw at Ako” na kapapalabas pa lamang sa mga sinehan last December 6, 2023. May isa pa siyang unreleased movie, ang “Itutumba Ka ng Tatay Ko,” isang action-comedy movie na pinagbibidahan ng kanyang panganay na si Janno Gibbs kasama ang dating childstar na si Xia Vigor at siyang directorial debut mismo ni Janno under Viva Films. Ang nasabing proyekto ay in-announce mismo ni Janno sa 76th birthday ng kanyang ama last November 27.

Magkasama na ngayon in heaven sina Ronaldo and his discoverer-mentor, ang Comedy King na si Dolphy who discovered him in 1969 at siya’y isinama sa pelikulang “Pepe en Pilar” na pinagtambalan ng huli at Susan Roces.

Ang pagkawala ni Ronaldo ay mag-iiwan ng malaking void sa industriyang kanyang kinabilangan at minahal sa loob ng mahigit limang dekada.

Samantala, sobra ring nabigla at nalungkot si Kathryn Bernardo sa maagang pagkawala ng kanyang `Lolo Sir’ na nakasama niya sa 2018 hit primetime series na “2 Good 2 Be True” na pinagtambalan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla. Ito rin bale ang last TV series ng namayapang actor.

Parang totoong apo ang turing ni Ronaldo kay Kathryn na nagpakita pa ng suporta sa huli sa premiere showing ng pelikula nila ni Dolly de Leon, ang “A Very Good Girl”. Ang veteran actor ay dumaan pa sa red carpet in his motorized car.

Pagsasama ng dalawang networks ‘di inaasahan

KUNG meron mang magandang nangyari sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN nung May 2020, nawala ang network war sa pagitan ng dalawang giant TV networks, ang GMA at ABS-CBN.

Who would ever think na darating ang panahon na magiging friendly rivals ang Kapuso Network at ABS-CBN at magiging posible ang guestings ng mga Kapuso stars and talents sa mga top-rating programs ng Kapamilya network?

Magmula nang mapanood ang noontime program ng ABS-CBN na “It’s Showtime” sa sister channel ng GMA, ang GTV, nagiging madalas na ring mapanood sa top-rating noontime show ang mga Kapuso stars sa “It’s Showtime”. And last Sunday, December 17, marami ang ginulat ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera nang mapanood ang guesting ng dalawa sa long-running and top-rating Sunday musical variety show ng ABS-CBN na “ASAP Natin `To”.

Ang Star Cinema ng ABS-CBN ang producer ng reunion movie ng celebrity couple na sina Dingdong at Marian, ang “Rewind” na isa sa sampung official entries ng 2023 Metro Manila Film Festival.

Mainiit na winelcome ng bumubuo ng “ASAP Natin `To” ang mag-asawang Dingdong at Marian na nagpakitang gilas din sa pagsayaw bagay na ipinagpasalamat ng celebrity couple. Ito bale ang first time nilang mag-asawa na mag-guest sa nasabing program na pareho nilang in-enjoy.

Ang present friendly relationship sa pagitan ng GMA at ABS-CBN ay nagbigay daan din ng kanilang joint production ng isang hit primetime TV series, ang “Unbreak My Heart” in cooperation with VIU streaming platform which was line-produced ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal.

Dahil sa bagong development na ito, natutuwa ang mga Kapuso and Kapamilya talents dahil sila ang beneficiary ng pagiging magkaibigan ngayon ng dalawang major TV networks na imposibleng mangyari nung meron pang prangkisa ang ABS-CBN.

MMFF 2023 malapit nang husgahan

ILANG araw na lamang ang bibilangin at huhusgahan na ang sampung pelikulang sabay-sabay na magsisimula sa araw ng Pasko, December 25, ang ten official entries sa 49th Metro Manila Film Festival na inaasahang magiging daan para muling bumalik sa mga sinehan ang mga manonood.

May kani-kanyang bet ang mga tao kung aling pelikula ang mangunguna sa takilya at kung sinu—sino ang mananalo sa 2023 MMFF Awards Night on December 27 na gaganapin sa New Frontier Theater.

Kung may mga pelikulang papalo sa takilya, may mga movie ring tiyak na mangungulelat at mawawalan ng mga assigned na sinehan, isang malungkot na pangyayari sa tuwing sumasapit ang taunang filmfest.

Ito bale ang unang taon ng MMFF na sampu ang kalahok sa halip na walong pelikula lamang.

Gayunpaman, umaasa ang nasa likod ng MMFF na tangkilikin lahat ng mga manonood ang ten official entries na pawang magaganda.

Pelikula ni Christian underdog pero pwedeng makaungos

ALTHOUGH itinuturing na `underdog’ ang pelikulang “Broken Hearts Trip” na pinagbibidahan ni Christian Bables at first film production ng baguhang movie producer na si Benjie Manansala Cabrera ng BMC Film Production in cooperation with Smart Films, maaari itong makasilat sa takilya dahil ito lamang ang natatanging pelikula na may kinalaman sa LGBT.

Kung magkakaisa ang LFBTQ+ community na panoorin at suportahan ang “Broken Hearts Trip,” hindi malayong mag-hit ito sa takilya at magkakaroon ng follow up project ang BMC Film Production ng US-based film producer.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE