Ronnie Larawan: Ronnie Alonte/IG

Ronnie kay Loisa: ‘Lagi ako nasa likod mo’

November 27, 2023 People's Tonight 379 views

IBINAHAGI ng gwapong aktor na si Ronnie Alonte sa kanyang Instagram ang sweet na mensahe niya para sa girlfriend nitong aktres na si Loisa Andalio.

“Maligayang ikapitong taon sating dalawa.. wala pa rin nagbabago mas sumosobra pa nga!” caption ng aktor sa kanyang IG post, Linggo, Nobyembre 26.

“Lagi mong tatandaan lagi lang ako nasa likod mo! Mahal kita 😘❤️,” dagdag pa ni Ronnie.

Bukod naman sa caption ilang litrato at video naman ang in-upload ng “Seklusyon” star, kung saan makikitang masaya nilang ipinagdiriwang ang kanilang 7th anniversary mag-jowa.

“LOINIE,” komento naman ni Zeus Collins sa nasabing post. Ilang celebrity at taga-hanga nila ang bumati sa kanilang masayang selebrasyon.

AUTHOR PROFILE