Default Thumbnail

Marathon ginanap sa Batangas

November 26, 2023 Jojo C. Magsombol 322 views

MATAGUMPAY ang marathon na isinagawa ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa Camp General Miguel Malvar sa Kumintang Ilaya, Batangas City noong Sabado.

May kategoryang 5k, 10k at 21k ang marathon na pinangunahan ng Provincial Community Affairs Development Unit (PCADU) katuwang ang Run Mania Philippines Promotions.

Tinatayang 446 na runners na kinabibilangan ng uniformed personnel at mga sibilyan na mula sa iba’t-ibang probinsya sa Region 4A.

Layunin ng aktibidad na isulong ang healthy living para sa ating lahat. Gagamitin ang nalikom na salapi sa pagpapaunlad ng mga pasilidad ng Batangas PPO at para sa mga programa nito.

“Maraming salamat po sa lahat ng sumali at nakilahok sa aming Batangas City half marathon.

Dito po napapatunayan na ang pakikiapg-ugnayan ng kapulisan sa ating komunidad ay mas bumubuti sa paglaon ng panahon,“ sabi ni BPPO chief Police Col. Samson Belmonte.

AUTHOR PROFILE