Suspek

2 drug suspek timbog sa P578K shabu

November 25, 2023 Jojo C. Magsombol 354 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Dalawang suspek na tulak ng shabu ang bumagsak sa kamay ng mga pulis noong Biyernes sa buy-bust sa Alangilan, Batangas City.

Residente ng Batangas City ang mga suspek na sina alyas Emat at alyas Ramil, ayon sa report ni Batangas Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel Samson Belmonte kay Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, hepe ng Police Regional Office 4-A.

Inaresto ng magkasanib na pwersa ang mga suspek ng Drug Enforcement Unit-Batangas Police Provincial Office (DEU-BPPO) at Batangas City Police Station (PS) bandang alas-9:10 ng gabi.

Nasabat mula sa kanila ang tatlong sachets na naglalaman ng 85 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P578,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa kasong Section 5, Article 2 ng Republic Act. 9165 o ang tinatawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga natimbog na suspek.

“Muli po nakahuli tayo ng malakihang supply ng droga. Sa pakikipagtulungan po ninyo sa mga kapulisan nagiging posible ang mga ganitong accomplishments,” sabi ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE