Angelica Larawan: Angelica Panganiban/IG

Angelica Panganiban inalala ang ‘first kiss’

November 22, 2023 People's Tonight 350 views

BINALIKAN ng aktres ang masayang alaala nila ng kanyang long-time partner na si Gregg Homan sa isang restaurant.

Sa kanyang Instagram post, Martes, Nobyembre 21, namiss umano ng aktres ang kanyang unang matamis na halik sa nakalipas na tatlong taon.

Aniya, “Nag date ang family kung saan ang first kiss namin ni daddy 3 years ago.”

Pabirong dagdag pa ng “Excess Baggage” star na hindi umano siya makapaniwala na ang kanyang cute na anak na si Baby Bean ang humahalik sa kanya ngayon. “ Ang bilis ng panahon. Iba na humahalik sakin ngayon,” saad ng aktres.

Bukod sa caption, ilang mga larawan naman ang in-upload ni Angelica, at makikitang masaya nilang tinitingnan ang sunset na nasa labas mismo ng Rali’s Restaurant sa Olongapo City.

AUTHOR PROFILE