Francis Tolentino

Tolentino sa Pangasinan councilors: ‘Wag kalimutan sinumpaang tungkulin

November 19, 2023 People's Tonight 258 views

PINAALALAHANAN ni Senador Francis “Tol” Tolentino ang mga konsehal ng Pangasinan na huwag kalimutan ang kanilang sinumpaang tungkulin para sa maayos na serbisyo publiko na maaaring sumalamin hanggang sa pambansang antas.

Ginawa ni Sen. Tolentino ang panawagan sa 2nd General Assembly ng Philippine Councilors League (PCL) Pangasinan Chapter na idinaos sa Summit Ridge Hotel sa Tagaytay City noong Biyernes.

“Iyong kahalagahan ng panunumpa is not just a ceremonial ritual for all officials elected or appointed,” ani Tolentino.

Aniya, kung ang lahat ng opisyal ay pangangatawanan o tutuparin ang kanilang panunumpa kapag sila ay naupo sa posisyon, walang magiging problema mula sa lokal hanggang sa pambansang pamahalaan.

“Kung gagawin ang lahat ng iyon, wala tayong problema. Wala tayong magiging problema. Wala tayong magiging problema sa national government,” iginiit ni Tolentino.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng panunumpa sa tungkulin, inihalimbawa ni Sen. Tol ang mga awtoridad na nagpahintulot sa mga dayuhan na makakuha ng mga pasaporte ng Pilipinas, birth certificates, at iba pang mahahalagang dokumento.

“Ibig sabihin may nakalimot sa kanilang oath of office,” anang senador na tumutukoy sa nadiskubre kamakailan na may mga foreign national na nagkaroon ng Philippine documents kahit hindi karapat-dapat.

AUTHOR PROFILE