
Zeinab pumatong kay Ray Parks: ‘Lakas ni daddy’
PINATUNGAN ng internet personality na si Zeinab Harake ang nobyo nitong Fil-Am basketball player na si Bobby Ray Parks Jr. habang nagwo-workout.
Sa Instagram stories ng vlogger nitong Martes, Nobyembre 14, ibinahagi niya ang video kung saan makikitang nagpu-push up si Ray Parks habang nakapatong si Zeinab sa likod nito.
Tila hinangaan naman ng internet personality ang lakas ng basketbolista dahil nagagawa nitong magpatuloy kahit nakasampa sa kanya ang nobya.
“Workout with bebe,” sey ni Zeinab.
“Lakas ni daddy Ray sana all,” hirit pa niya.
Sa hiwalay na IG story, makikita namang magkasama ang dalawa sa isang date ng madaling araw. Makikita sa larawan na pareho silang kumakain ng bagong lutong tinapay.